Ezekiel 43:16-19
Ezekiel 43:16-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang altar ay parisukat: anim na metro ang luwang, gayon din ang haba. Parisukat din ang panggitnang bahagi: pitong metro ang haba, gayon din ang luwang. Ito'y paliligiran ng molde na 0.3 metro ang lapad. Ang lapad ng pinakaalulod ay kalahating metro. Ang hagdan ng altar ay nasa gawing silangan. Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, ito ang tuntuning ipinapasabi ko tungkol sa altar. Kapag ito'y yari na, itatalaga mo ito sa pamamagitan ng pagsusunog ng mga handog at pagwiwisik ng dugo ng mga hayop na inihandog. Ang mga paring Levita lamang na mula sa sambahayan ni Zadok ang makakapaglingkod sa akin. Akong si Yahweh ang nag-uutos. Bibigyan mo sila ng isang torong panghandog para sa kasalanan.
Ezekiel 43:14-19 Ang Salita ng Diyos (ASD)
May tatlong palapag ang altar na parisukat lahat. Ang ibabang palapag ay tatlo at kalahating talampakan ang haba at mga dalawang talampakan ang lawak. Ang taas naman ay tatlong talampakan. Ang gitnang palapag ay dalawampuʼt limang talampakan ang haba at lawak at pitong talampakan naman ang taas. May kanal sa paligid nito na dalawampuʼt isang pulgada ang lalim, at may sinepa sa palibot na sampung pulgada ang lawak. Ang palapag sa itaas ay dalawampuʼt isang talampakan ang haba at lawak at pitong talampakan naman ang taas. Dito sinusunog ang mga handog. Ang apat na sulok ng altar ay may parang mga sungay ng hayop. Ang hagdan ng altar ay nasa gawing silangan.” Sinabi pa ng tinig sa akin, “Anak ng tao, ito ang sinasabi ng Makapangyarihang PANGINOON: Kapag nagawa na ang altar, italaga ninyo ito sa pamamagitan ng pag-aalay ng handog na sinusunog at pagwiwisik ng dugo ng hayop na inihandog. Sa araw na iyon, ang mga paring naglilingkod sa akin na mga Levitang mula sa pamilya ni Sadoc ay bibigyan ng isang batang toro na iaalay nila bilang handog para sa kasalanan, sabi ng Makapangyarihang PANGINOON.
Ezekiel 43:16-19 Ang Biblia (TLAB)
At ang apuyan ng dambana ay magkakaroon ng labing dalawang siko ang haba at labing dalawa ang luwang, parisukat sa apat na tagiliran niyaon. At ang patungan niyaon ay magkakaroon ng labing apat na siko ang haba at labing apat na siko ang luwang sa apat na tagiliran niyaon; at ang gilid sa palibot ay magiging kalahating siko; at ang patungan niyaon ay magiging isang siko sa palibot; at ang mga baytang niyaon ay paharap sa dakong silanganan. At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Ito ang mga alituntunin tungkol sa dambana sa kaarawan na kanilang gagawin, upang paghandugan sa ibabaw ng mga handog na susunugin, at upang pagwisikan ng dugo. Iyong ibibigay sa mga saserdote na mga Levita na sa angkan ni Sadoc na malapit sa akin, upang magsipangasiwa sa akin, sabi ng Panginoong Dios, ang isang guyang baka na pinakahandog dahil sa kasalanan.
Ezekiel 43:16-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang altar ay parisukat: anim na metro ang luwang, gayon din ang haba. Parisukat din ang panggitnang bahagi: pitong metro ang haba, gayon din ang luwang. Ito'y paliligiran ng molde na 0.3 metro ang lapad. Ang lapad ng pinakaalulod ay kalahating metro. Ang hagdan ng altar ay nasa gawing silangan. Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ezekiel, anak ng tao, ito ang tuntuning ipinapasabi ko tungkol sa altar. Kapag ito'y yari na, itatalaga mo ito sa pamamagitan ng pagsusunog ng mga handog at pagwiwisik ng dugo ng mga hayop na inihandog. Ang mga paring Levita lamang na mula sa sambahayan ni Zadok ang makakapaglingkod sa akin. Akong si Yahweh ang nag-uutos. Bibigyan mo sila ng isang torong panghandog para sa kasalanan.
Ezekiel 43:16-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)