Ezekiel 37:1-3
Ezekiel 37:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nadama ko ang kapangyarihan ni Yahweh at sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay dinala niya ako sa isang libis na puno ng kalansay. Inilibot niya ako sa lugar na puno ng mga kalansay na tuyung-tuyo na. Tinanong niya ako, “Ezekiel, anak ng tao, palagay mo ba ay maaari pang mabuhay ang mga kalansay na ito?” Sumagot ako, “Kayo po lamang ang nakaaalam, Yahweh.”
Ezekiel 37:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Napuspos ako ng kapangyarihan ng PANGINOON at dinala ako ng kanyang Espiritu sa gitna ng isang lambak na puno ng kalansay. Inilibot niya ako roon, at nakita ko ang napakaraming tuyong buto na nagkalat sa lambak. Tinanong ako ng PANGINOON, “Anak ng tao, mabubuhay pa kaya ang mga butong ito?” Sumagot ako, “Makapangyarihang PANGINOON, kayo lang po ang nakakaalam.”
Ezekiel 37:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Ang kamay ng Panginoon ay sumasa akin, at kaniyang dinala ako sa Espiritu ng Panginoon, at inilagay niya ako sa gitna ng libis; at yao'y puno ng mga buto. At pinaraan niya ako sa tabi ng mga yaon sa palibot: at, narito, may totoong marami sa luwal na libis; at, narito, mga totoong tuyo. At kaniyang sinabi sa akin, Anak ng tao, maaari bagang mabuhay ang mga butong ito? At ako'y sumagot, Oh Panginoong Dios; ikaw ang nakakaalam.
Ezekiel 37:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nadama ko ang kapangyarihan ni Yahweh at sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay dinala niya ako sa isang libis na puno ng kalansay. Inilibot niya ako sa lugar na puno ng mga kalansay na tuyung-tuyo na. Tinanong niya ako, “Ezekiel, anak ng tao, palagay mo ba ay maaari pang mabuhay ang mga kalansay na ito?” Sumagot ako, “Kayo po lamang ang nakaaalam, Yahweh.”
Ezekiel 37:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)