Ezekiel 33:22
Ezekiel 33:22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Umaga nang dumating sa akin ang balita. Noong gabi bago ito dumating, nadama ko ang kamay ni Yahweh. Hinipo niya ang aking bibig at ako'y nakapagsalita.
Ezekiel 33:22 Ang Salita ng Dios (ASND)
Noong isang gabi, bago dumating ang taong iyon, nilukuban ako ng kapangyarihan ng PANGINOON at muli akong nakapagsalita. Kaya nang dumating ang taong iyon kinaumagahan, nakapagsalita na ako.
Ezekiel 33:22 Ang Biblia (TLAB)
Ang kamay nga ng Panginoon ay sumaakin nang kinahapunan, bago dumating ang nakatanan; at ibinuka niya ang aking bibig, hanggang sa siya'y dumating sa akin nang kinaumagahan; at ang aking bibig ay nabuka at hindi na ako pipi.