Ezekiel 31:4-9
Ezekiel 31:4-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sagana ka sa dilig; may agos pa sa ilalim ng lupang kinatatayuan mo. Ganoon din sa bawat punongkahoy sa gubat. Kaya ito ay tumaas nang higit sa lahat. Ang mga sanga'y mayayabong at mayabong ang dahon sapagkat sagana nga sa tubig. At doon ang mga ibo'y gumagawa ng pugad. Sa lilim nito nagluluwal ng anak ang mga hayop. At ang mga bansa ay sumisilong sa kanya. Anong inam pagmasdan ang maganda niyang kaanyuan. Marami ang sanga. Mayayabong. Malalabay. Mga ugat nito ay abot sa masaganang bukal ng tubig. Hindi ito mahihigtan kahit ng sedar sa hardin ng Diyos, ni maipaparis sa alinmang punongkahoy sa hardin ng Diyos. Ito'y aking pinaganda. Pinayabong ko ang mga sanga. Kaya, nananaghili sa kanya ang mga punongkahoy sa hardin ng Diyos, sa Eden.
Ezekiel 31:4-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sagana ito sa tubig mula sa malalim na bukal na nagpapalago sa kanya, at umaagos sa lahat ng puno sa buong kagubatan. Kaya ang punong itoʼy mas mataas kaysa sa lahat ng puno sa kagubatan. Ang mga sanga ay mahahaba at ang mga dahon ay mayayabong dahil sagana sa tubig. Ang lahat ng klase ng ibon ay nagpugad sa kanyang mga sanga, ang lahat ng hayop sa gubat ay nanganak sa ilalim ng kanyang puno, at ang lahat ng tanyag na bansa ay sumilong sa kanyang lilim. Napakaganda ng punong ito. Mahahaba ang sanga at mayayabong ang dahon, sapagkat ang mga ugat ay malalalim at umaabot sa maraming tubig. Ang mga puno ng sedro sa halamanan ng Diyos ay hindi makakapantay sa kanya. Kahit ang mga puno ng abeto at puno ng platano ay hindi maihahambing sa kagandahan ng kanyang mga sanga. Hindi maihahalintulad sa anumang puno sa halamanan ng Diyos ang kagandahan ng punong ito. Pinaganda ng Diyos ang punong ito sa pamamagitan ng maraming sanga. Kaya nainggit sa kanya ang lahat ng puno sa Eden, ang halamanan ng Diyos.
Ezekiel 31:4-9 Ang Biblia (TLAB)
Kinakandili siya ng tubig, pinalalaki siya ng kalaliman: ang kaniyang mga ilog ay nagsisiagos sa palibot ng kaniyang kinatatamnan; at kaniyang pinaaagos ang kaniyang mga bangbang ng tubig sa lahat ng punong kahoy sa parang. Kaya't ang kaniyang kataasan ay nataas ng higit kay sa lahat na punong kahoy sa parang; at ang kaniyang mga sanga ay nagsidami, at ang kaniyang mga sanga ay nagsihaba dahil sa karamihan ng tubig, nang kaniyang pabugsuan. Lahat ng ibon sa himpapawid ay nagsigawa ng kanilang mga pugad sa kaniyang mga sanga; at sa ilalim ng kaniyang mga sanga ay nagsipanganak ang lahat ng mga hayop sa parang; at sa kaniyang lilim ay nagsitahan ang lahat na malaking bansa. Ganito siya gumanda sa kaniyang kalakhan, sa kahabaan ng kaniyang mga sanga: sapagka't ang kaniyang ugat ay nasa siping ng maraming tubig. Ang mga cedro sa halamanan ng Dios hindi makapantay sa kaniya; ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, at ang mga puno ng kastano ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, o may anomang punong kahoy sa halamanan ng Dios na kagaya niya sa kaniyang kagandahan. Pinaganda ko siya sa karamihan ng kaniyang mga sanga, na anopa't lahat ng punong kahoy sa Eden, na nangasa halamanan ng Dios, nanaghili sa kaniya.
Ezekiel 31:4-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sagana ka sa dilig; may agos pa sa ilalim ng lupang kinatatayuan mo. Ganoon din sa bawat punongkahoy sa gubat. Kaya ito ay tumaas nang higit sa lahat. Ang mga sanga'y mayayabong at mayabong ang dahon sapagkat sagana nga sa tubig. At doon ang mga ibo'y gumagawa ng pugad. Sa lilim nito nagluluwal ng anak ang mga hayop. At ang mga bansa ay sumisilong sa kanya. Anong inam pagmasdan ang maganda niyang kaanyuan. Marami ang sanga. Mayayabong. Malalabay. Mga ugat nito ay abot sa masaganang bukal ng tubig. Hindi ito mahihigtan kahit ng sedar sa hardin ng Diyos, ni maipaparis sa alinmang punongkahoy sa hardin ng Diyos. Ito'y aking pinaganda. Pinayabong ko ang mga sanga. Kaya, nananaghili sa kanya ang mga punongkahoy sa hardin ng Diyos, sa Eden.
Ezekiel 31:4-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kinakandili siya ng tubig, pinalalaki siya ng kalaliman: ang kaniyang mga ilog ay nagsisiagos sa palibot ng kaniyang kinatatamnan; at kaniyang pinaaagos ang kaniyang mga bangbang ng tubig sa lahat ng punong kahoy sa parang. Kaya't ang kaniyang kataasan ay nataas ng higit kay sa lahat na punong kahoy sa parang; at ang kaniyang mga sanga ay nagsidami, at ang kaniyang mga sanga ay nagsihaba dahil sa karamihan ng tubig, nang kaniyang pabugsuan. Lahat ng ibon sa himpapawid ay nagsigawa ng kanilang mga pugad sa kaniyang mga sanga; at sa ilalim ng kaniyang mga sanga ay nagsipanganak ang lahat ng mga hayop sa parang; at sa kaniyang lilim ay nagsitahan ang lahat na malaking bansa. Ganito siya gumanda sa kaniyang kalakhan, sa kahabaan ng kaniyang mga sanga: sapagka't ang kaniyang ugat ay nasa siping ng maraming tubig. Ang mga cedro sa halamanan ng Dios hindi makapantay sa kaniya; ang mga puno ng abeto ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga, at ang mga puno ng kastano ay hindi gaya ng kaniyang mga sanga; o may anomang punong kahoy sa halamanan ng Dios na kagaya niya sa kaniyang kagandahan. Pinaganda ko siya sa karamihan ng kaniyang mga sanga, na anopa't lahat ng punong kahoy sa Eden, na nangasa halamanan ng Dios, nanaghili sa kaniya.