Exodo 34:34
Exodo 34:34 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tuwing makikipag-usap at haharap siya sa presensya ni Yahweh, inaalis niya ang takip ng kanyang mukha. Paglabas dito, sinasabi niya sa mga tao kung ano ang iniuutos ni Yahweh
Exodo 34:34 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pero sa tuwing papasok siya sa Toldang Tipanan para makipag-usap sa PANGINOON, tinatanggal niya ang talukbong hanggang sa makalabas siya ng Tolda. Kapag nakalabas na siya, sinasabi niya sa mga Israelita ang lahat ng sinabi ng PANGINOON sa kanya
Exodo 34:34 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't pagka si Moises ay pumapasok sa harap ng Panginoon upang makipagsalitaan sa kaniya, ay nagaalis siya ng lambong hanggang siya'y makalabas; at siya'y lumabas at kaniyang sinalita sa mga anak ni Israel ang iniutos sa kaniya