Exodo 24:17-18
Exodo 24:17-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nakita rin ng mga Israelita ang kaluwalhatian ni Yahweh na parang nagniningas na apoy sa taluktok ng bundok. At unti-unti siyang natakpan ng ulap habang umaakyat; nanatili siya sa bundok sa loob ng apatnapung araw at gabi.
Exodo 24:17-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Para sa mga Israelitang nasa paanan ng bundok, ang kaluwalhatian ng PANGINOON ay parang naglalagablab na apoy sa tuktok ng bundok. Si Moises naman ay pumasok sa ulap habang papaakyat pa siya sa bundok. Nanatili siya roon ng apatnapung araw at apatnapung gabi.
Exodo 24:17-18 Ang Biblia (TLAB)
At ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon ay paris ng apoy na manunupok sa ibabaw ng taluktok ng bundok, sa harap ng mga mata ng mga anak ni Israel. At pumasok si Moises sa gitna ng ulap, at sumampa sa bundok: at si Moises ay natira sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi.
Exodo 24:17-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nakita rin ng mga Israelita ang kaluwalhatian ni Yahweh na parang nagniningas na apoy sa taluktok ng bundok. At unti-unti siyang natakpan ng ulap habang umaakyat; nanatili siya sa bundok sa loob ng apatnapung araw at gabi.
Exodo 24:17-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)