Exodo 23:2-3
Exodo 23:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Huwag kayong makikiisa sa karamihan, sa paggawa ng masama o sa paghadlang sa katarungan. Ngunit huwag rin ninyong kikilingan ang mahihirap dahil lang sa kanilang kalagayan.
Ibahagi
Basahin Exodo 23Exodo 23:2-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Huwag kayong makipagtulungan sa masasamang tao sa pamamagitan ng pagiging bulaang saksi. Kung sasaksi kayo sa isang kaso, huwag nʼyong babaluktutin ang hustisya upang lamang kumampi sa karamihan. Huwag din ninyong papaburan ang kaso ng mga mahihirap dahil lang sa kanilang kalagayan.
Ibahagi
Basahin Exodo 23Exodo 23:2-3 Ang Biblia (TLAB)
Huwag kang susunod sa karamihan na gumawa ng masama; ni magbibigay patotoo man sa isang usap, na ang kiling ay sa karamihan upang sirain ang kahatulan: Ni huwag mo ring kikilingan ang dukha sa kaniyang usap.
Ibahagi
Basahin Exodo 23