Exodo 17:11-12
Exodo 17:11-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kapag nakataas ang mga kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita; kapag nakababa, nananalo naman ang mga Amalekita. Nangawit na si Moises kaya sina Aaron at Hur ay kumuha ng isang bato at pinaupo roon si Moises habang hawak nilang pataas ang mga kamay nito hanggang sa lumubog ang araw.
Exodo 17:11-12 Ang Salita ng Diyos (ASD)
At habang nakataas ang kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita, pero kapag ibinababa niya ang kanyang kamay nananalo naman ang mga Amalekita. Nang mangalay na ang mga kamay ni Moises, kumuha sina Aaron at Hur ng isang bato. Inilagay ito sa kanyang kinatatayuan at pinaupo siya roon. Inalalayan nila ang kanyang mga kamay, isa sa bawat kamay, kaya nanatili itong nakataas hanggang lumubog ang araw.
Exodo 17:11-12 Ang Biblia (TLAB)
At nangyari, pagka itinataas ni Moises ang kaniyang kamay, ay nananaig ang Israel: at pagka kaniyang ibinababa ang kaniyang kamay, ay nananaig si Amalec. Datapuwa't ang mga kamay ni Moises ay nangalay; at sila'y kumuha ng isang bato, at inilagay sa ibaba, at kaniyang inupuan; at inalalayan ni Aaron at ni Hur ang kaniyang mga kamay, ang isa'y sa isang dako, at ang isa'y sa kabilang dako; at ang kaniyang mga kamay ay nalagi sa itaas hanggang sa paglubog ng araw.
Exodo 17:11-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kapag nakataas ang mga kamay ni Moises, nananalo ang mga Israelita; kapag nakababa, nananalo naman ang mga Amalekita. Nangawit na si Moises kaya sina Aaron at Hur ay kumuha ng isang bato at pinaupo roon si Moises habang hawak nilang pataas ang mga kamay nito hanggang sa lumubog ang araw.
Exodo 17:11-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)