Exodo 14:1-4
Exodo 14:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pabalikin mo ang mga Israelita at doon mo sila pagkampuhin sa tapat ng Pi Hahirot, ng Baal-zefon, sa pagitan ng Migdol at ng dagat. Aakalain ng Faraon na kayo'y nagkakaligaw-ligaw na sa ilang sapagkat hindi ninyo malaman ang lalabasan. Pagmamatigasin ko ang Faraon at hahabulin niya kayo ngunit ipapakita ko sa kanya at sa kanyang mga tauhan ang aking kapangyarihan. Sa gayo'y malalaman ng mga Egipcio na ako si Yahweh.” Sinunod ng mga Israelita ang sinabi sa kanila.
Exodo 14:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ng PANGINOON kay Moises, “Sabihin mo sa mga Israelita na bumalik sila malapit sa Pi-hahirot, sa gitna ng Migdol at Dagat na Pula, at magkampo sila roon sa tabi ng dagat, sa harap ng Baal-zefon. Iisipin ng Faraon na nagkaligaw-ligaw kayo at hindi na makalabas ng disyerto. At patitigasin ko ang kanyang puso at hahabulin niya kayo. Ngunit papatayin ko siya at ang kanyang mga sundalo. Sa pamamagitan nitoʼy mapaparangalan ako, at malalaman ng mga Ehipsiyo na ako ang PANGINOON.” Kaya ginawa ito ng mga Israelita.
Exodo 14:1-4 Ang Biblia (TLAB)
At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ni Israel, na sila'y bumalik at humantong sa tapat ng Pi-hahiroth, sa pagitan ng Migdol at ng dagat, sa tapat ng Baalzephon: sa tapat niyaon hahantong kayo, sa tabi ng dagat. At sasabihin ni Faraon tungkol sa mga anak ni Israel: Nangasisilo sila sa lupain, sila'y naliligid ng ilang. At aking papagmamatigasin ang puso ni Faraon, at kaniyang hahabulin sila at kayo'y magiimbot ng karangalan kay Faraon, at sa lahat niyang hukbo; at malalaman ng mga Egipcio, na ako ang Panginoon. At kanilang ginawang gayon.
Exodo 14:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pabalikin mo ang mga Israelita at doon mo sila pagkampuhin sa tapat ng Pi Hahirot, ng Baal-zefon, sa pagitan ng Migdol at ng dagat. Aakalain ng Faraon na kayo'y nagkakaligaw-ligaw na sa ilang sapagkat hindi ninyo malaman ang lalabasan. Pagmamatigasin ko ang Faraon at hahabulin niya kayo ngunit ipapakita ko sa kanya at sa kanyang mga tauhan ang aking kapangyarihan. Sa gayo'y malalaman ng mga Egipcio na ako si Yahweh.” Sinunod ng mga Israelita ang sinabi sa kanila.
Exodo 14:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)