Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Exodo 12:23 - Compare All Versions

Exodo 12:23 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Sa gabing iyon, lilibutin ni Yahweh ang buong Egipto at papatayin ang mga Egipcio. Lahat ng bahay na makita niyang may pahid na dugo sa magkabilang poste at itaas ng pintuan ay hindi niya hahayaang pasukin ng Anghel ng Kamatayan.

Exodo 12:23 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Dahil dadaan ang PANGINOON sa Ehipto upang patayin ang mga panganay na lalaking mga Ehipsiyo. Ngunit kapag nakita ng PANGINOON ang dugo sa ibabaw at sa gilid ng hamba ng mga pintuan ninyo, lalampasan lang niya ang mga bahay ninyo at hindi niya papayagan ang Mamumuksa na pumasok sa mga bahay ninyo at patayin ang inyong mga panganay na lalaki.

Exodo 12:23 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Sa gabing iyon, lilibutin ni Yahweh ang buong Egipto at papatayin ang mga Egipcio. Lahat ng bahay na makita niyang may pahid na dugo sa magkabilang poste at itaas ng pintuan ay hindi niya hahayaang pasukin ng Anghel ng Kamatayan.

Exodo 12:23 TLAB (Ang Biblia)

Sapagka't ang Panginoon ay daraan upang sugatan ang mga Egipcio; at pagkakita niya ng dugo sa itaas ng pinto at sa dalawang haligi ng pinto, ay lalampasan ng Panginoon ang pintong yaon, at hindi niya papayagan ang manunugat ay pumasok sa inyong mga bahay na sugatan kayo.

Exodo 12:23 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))