Mga Taga-Efeso 5:18-20
Mga Taga-Efeso 5:18-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Huwag kayong maglalasing, sapagkat mauuwi iyan sa magulong pamumuhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. Mag-awitan kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Mga Taga-Efeso 5:18-20 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Huwag kayong maglalasing dahil nakakasira ito ng maayos na pamumuhay. Sa halip, hayaan ninyong mapuspos kayo ng Espiritu. Mag-usap-usap kayo gamit ang mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Palagi kayong magpasalamat sa Diyos Ama sa lahat ng bagay bilang mananampalataya ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
Mga Taga-Efeso 5:18-20 Ang Biblia (TLAB)
At huwag kayong magsipaglasing ng alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo'y mangapuspos ng Espiritu; Na kayo'y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon; Na kayo'y laging magpasalamat sa lahat ng mga bagay sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo sa Dios na ating Ama
Mga Taga-Efeso 5:18-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Huwag kayong maglalasing, sapagkat mauuwi iyan sa magulong pamumuhay. Sa halip ay dapat kayong mapuspos ng Espiritu. Mag-awitan kayo ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal; buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Lagi kayong magpasalamat sa Diyos na ating Ama dahil sa lahat ng bagay, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Mga Taga-Efeso 5:18-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)