Mga Taga-Efeso 4:9-10 - Compare All Versions
Mga Taga-Efeso 4:9-10 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Anong ibig sabihin ng “umakyat siya”? Ang ibig sabihin niyan ay bumabâ muna siya sa mga kailalimang bahagi ng lupa. Ang bumabâ ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang presensya ang lahat ng nilikha.
Mga Taga-Efeso 4:9-10 ASD (Ang Salita ng Diyos)
(Ngayon, ano ang kahulugan ng, “Umakyat siya sa langit”? Ang ibig sabihin nito ay bumaba muna siya rito sa lupa. At siya na bumaba rito sa lupa ang siya ring umakyat sa kataas-taasang langit para maging lubos ang kapangyarihan niya sa lahat ng bagay.)
Mga Taga-Efeso 4:9-10 TLAB (Ang Biblia)
(Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa mga dakong kalaliman ng lupa? Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)
Mga Taga-Efeso 4:9-10 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Anong ibig sabihin ng “umakyat siya”? Ang ibig sabihin niyan ay bumabâ muna siya sa mga kailalimang bahagi ng lupa. Ang bumabâ ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang presensya ang lahat ng nilikha.
Mga Taga-Efeso 4:9-10 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))