Ang Mangangaral 7:26 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Ang Mangangaral 7:26 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Natuklasan ko ang isang bagay na mas mapait kaysa kamatayan: ito'y walang iba kundi ang babae. Ang kanyang pag-ibig ay tulad ng bitag, at ang kanyang mga bisig ay tulad ng tanikala. Ang taong matuwid ay nakakaiwas rito ngunit naaalipin ang mga masama.
Ang Mangangaral 7:26 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Napag-alaman kong ang babaeng nanunukso ay mas mapait kaysa sa kamatayan. Ang pag-ibig niyaʼy parang bitag, at ang mga kamay niyang yumayakap sa iyo ay parang kadena. Ang taong nakalulugod sa Diyos ay makakatakas sa kanya, ngunit ang taong makasalanan ay mabibitag niya.
Ang Mangangaral 7:26 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Natuklasan ko ang isang bagay na mas mapait kaysa kamatayan: ito'y walang iba kundi ang babae. Ang kanyang pag-ibig ay tulad ng bitag, at ang kanyang mga bisig ay tulad ng tanikala. Ang taong matuwid ay nakakaiwas rito ngunit naaalipin ang mga masama.
Ang Mangangaral 7:26 TLAB (Ang Biblia)
At nakasumpong ako ng bagay na lalong mapait kay sa kamatayan, sa makatuwid baga'y ang babae na ang puso ay mga silo at mga bitag, at ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga panali: ang nalulugod sa Dios ay tatakas sa kaniya; nguni't ang makasalanan ay makukuha niya.
Ang Mangangaral 7:26 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))