Ang Mangangaral 7:13-14
Ang Mangangaral 7:13-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pag-isipan mong mabuti ang ginawa ng Diyos. Sino ang makapagtutuwid sa binaluktot niya? Magalak ka kung mainam ang takbo ng lahat ng bagay. Sa panahon ng kahirapan ay isipin mong parehong ipinadadala ng Diyos ang kaligayahan at kahirapan. Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas?
Ang Mangangaral 7:13-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pag-isipan mo ang ginawa ng Diyos: Sino ang makapagtutuwid ng kanyang binaluktot? Magalak ka kung mabuti ang kalagayan mo. Pero kung naghihirap ka, isipin mo ito: Ang Diyos ang gumawa sa dalawang bagay na ito. Kaya hindi natin malalaman kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Ang Mangangaral 7:13-14 Ang Biblia (TLAB)
Gunitain mo ang gawa ng Dios: sapagka't sinong makapagtutuwid ng ginawa niyang baluktot? Sa kaarawan ng kaginhawahan ay magalak ka, at sa kaarawan ng kahirapan ay gumunita ka: oo, ginawa ng Dios ang isa sa siping ng isa, upang ang tao ay huwag makasumpong ng anomang bagay na mangyayari pagkamatay niya.
Ang Mangangaral 7:13-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pag-isipan mong mabuti ang ginawa ng Diyos. Sino ang makapagtutuwid sa binaluktot niya? Magalak ka kung mainam ang takbo ng lahat ng bagay. Sa panahon ng kahirapan ay isipin mong parehong ipinadadala ng Diyos ang kaligayahan at kahirapan. Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas?
Ang Mangangaral 7:13-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)