Ang Mangangaral 7:1-6
Ang Mangangaral 7:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang mabuting pangalan ay mas mahalaga kaysa mamahaling pabango; at ang araw ng kamatayan ay higit na mabuti kaysa araw ng kapanganakan. Mas mabuting pumunta sa bahay ng namatayan kaysa bahay na may handaan, pagkat dapat alalahanin ng buháy na siya man ay nakatakda ring mamatay. Ang kalungkutan ay mas mabuti kaysa katuwaan, pagkat maaaring malungkot ang mukha ngunit masaya ang kalooban. Mangmang ang isang taong nag-iisip ng kasayahan, ngunit matalino ang isang taong naghahanda para sa kanyang kamatayan. Mas mabuting makarinig ng saway ng matalino kaysa isang mangmang ang pupuri sa iyo. Ang halakhak ng mangmang ay tulad ng siklab ng apoy, walang kabuluhan.
Ang Mangangaral 7:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang malinis na pangalan ay mas mabuti kaysa sa mamahaling pabango; at ang araw ng kamatayan ay mas mabuti kaysa sa araw ng kapanganakan. Mas mabuting pumunta sa namatayan kaysa sa isang handaan, dahil ang lahat ay mamamatay. Dapat ay lagi itong isipin ng mga buháy pa. Ang kalungkutan ay mas mabuti kaysa sa kaligayahan dahil ang kalungkutan ay nakakatuwid ng buhay ng tao. Laging iniisip ng marunong ang kamatayan; pero ang hangal, ang laging iniisip ay kasiyahan. Mas mabuting makinig sa pagsaway ng marunong kaysa makinig sa papuri ng hangal. Ang tawa ng hangal ay parang tinik na kapag iginatong ay nagsasaltikan ang apoy. Ito ay walang kabuluhan.
Ang Mangangaral 7:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan. Maigi ang pasa bahay ng tangisan, kay sa bahay ng pistahan: sapagka't siyang wakas ng lahat ng mga tao; at ilalagak ng may buhay sa kaniyang puso. Kapanglawan ay maigi kay sa pagtawa: sapagka't sa kapanglawan ng mukha ay sumasaya ang puso. Ang puso ng pantas ay nasa bahay ng tangisan; nguni't ang puso ng mangmang ay nasa bahay ng kasayahan. Maigi ang makinig ng saway ng pantas kay sa isang tao'y makinig ng awit ng mga mangmang. Sapagka't kung paano ang lagitik ng mga tinik sa ilalim ng palyok, gayon ang tawa ng mangmang: ito ma'y walang kabuluhan.
Ang Mangangaral 7:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang mabuting pangalan ay mas mahalaga kaysa mamahaling pabango; at ang araw ng kamatayan ay higit na mabuti kaysa araw ng kapanganakan. Mas mabuting pumunta sa bahay ng namatayan kaysa bahay na may handaan, pagkat dapat alalahanin ng buháy na siya man ay nakatakda ring mamatay. Ang kalungkutan ay mas mabuti kaysa katuwaan, pagkat maaaring malungkot ang mukha ngunit masaya ang kalooban. Mangmang ang isang taong nag-iisip ng kasayahan, ngunit matalino ang isang taong naghahanda para sa kanyang kamatayan. Mas mabuting makarinig ng saway ng matalino kaysa isang mangmang ang pupuri sa iyo. Ang halakhak ng mangmang ay tulad ng siklab ng apoy, walang kabuluhan.
Ang Mangangaral 7:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)