Ang Mangangaral 11:7-8
Ang Mangangaral 11:7-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Masarap ang nasa liwanag at kay gandang pagmasdan ang araw. Kung ang tao'y mabubuhay nang matagal, dapat niyang ikagalak iyon. Ngunit alalahanin niyang ang darating na panahon ng kadiliman ay mas mahaba. Lahat ng mangyayari ay walang kabuluhan.
Ang Mangangaral 11:7-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang liwanag ay napakatamis, at nakalulugod sa mata na makita ang araw. Kaya sa buong buhay mo ay maging masaya ka, gaano man ito kahaba. Ngunit, alalahanin mong darating ang kamatayan at magtatagal iyon. Lahat ng mangyayari ay walang kabuluhan.
Ang Mangangaral 11:7-8 Ang Biblia (TLAB)
Tunay na ang liwanag ay mainam, at masayang bagay sa mga mata na magsitingin sa araw. Oo, kung ang tao ay mabuhay ng maraming taon, magalak siya sa lahat ng yaon; nguni't alalahanin niya ang mga kaarawan ng kadiliman, sapagka't magiging marami. Lahat ng dumarating ay walang kabuluhan.
Ang Mangangaral 11:7-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Masarap ang nasa liwanag at kay gandang pagmasdan ang araw. Kung ang tao'y mabubuhay nang matagal, dapat niyang ikagalak iyon. Ngunit alalahanin niyang ang darating na panahon ng kadiliman ay mas mahaba. Lahat ng mangyayari ay walang kabuluhan.
Ang Mangangaral 11:7-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)