Ang Mangangaral 11:5
Ang Mangangaral 11:5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kung hindi mo maaaring malaman kung paanong ang hininga ay pumapasok sa katawan ng isang sanggol na nasa sinapupunan ng kanyang ina, lalong hindi maaabot ng isip mo kung paano ginagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.
Ang Mangangaral 11:5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kung paanong hindi mo nalalaman ang direksyon ng hangin o kung paano lumalaki ang sanggol sa sinapupunan ng kanyang ina, ganoon din ang ginagawa ng Dios na gumagawa ng lahat ng bagay, hindi mo rin ito maiintindihan.
Ang Mangangaral 11:5 Ang Biblia (TLAB)
Kung paanong hindi mo nalalaman kung ano ang daan ng hangin o kung paano mang lumalaki ang mga buto sa bahay-bata ng buntis; gayon hindi mo nalalaman ang gawa ng Dios na gumagawa sa lahat.
Ang Mangangaral 11:5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)