Ang Mangangaral 1:2-3
Ang Mangangaral 1:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Napakawalang kabuluhan! Napakawalang kabuluhan; lahat ay walang kabuluhan,” sabi ng Mangangaral. Nagpapakapagod ka nang husto sa pagtatrabaho sa mundong ito. Ngunit para saan ba ang mga pagpapagod na ito?
Ang Mangangaral 1:2-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Walang kabuluhan!” sabi ng Mangangaral. “Tunay na walang kabuluhan! Ang lahat ay walang kabuluhan.” Ano ang pakinabang ng tao sa pagpapakahirap niyang magtrabaho sa mundong ito?
Ang Mangangaral 1:2-3 Ang Biblia (TLAB)
Walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, sabi ng Mangangaral; walang kabuluhan ng mga walang kabuluhan, lahat ay walang kabuluhan. Anong pakinabang mayroon ang tao sa lahat ng kaniyang gawa, na kaniyang ginagawa sa ilalim ng araw?
Ang Mangangaral 1:2-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Napakawalang kabuluhan! Napakawalang kabuluhan; lahat ay walang kabuluhan,” sabi ng Mangangaral. Nagpapakapagod ka nang husto sa pagtatrabaho sa mundong ito. Ngunit para saan ba ang mga pagpapagod na ito?
Ang Mangangaral 1:2-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)