Deuteronomio 7:16
Deuteronomio 7:16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pupuksain ninyo ang lahat ng bansang ipapasakop ni Yahweh na inyong Diyos sa inyo. Huwag ninyo silang kaaawaan. Huwag din ninyong sasambahin ang kanilang mga diyus-diyosan. Iyan ang patibong na naghihintay sa inyo roon.
Deuteronomio 7:16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dapat ninyong patayin ang lahat ng tao na ibinigay ng PANGINOON na inyong Dios sa inyo. Huwag ninyo silang kaaawaan, at huwag kayong maglilingkod sa kanilang mga dios dahil magiging bitag ito para sa inyo.
Deuteronomio 7:16 Ang Biblia (TLAB)
At iyong lilipulin ang lahat ng mga bayan na ibibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios; ang iyong mata ay huwag mahahabag sa kanila; ni huwag kang maglilingkod sa kanilang mga dios; sapagka't magiging isang silo sa iyo.
Deuteronomio 7:16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)