Deuteronomio 28:30
Deuteronomio 28:30 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Makikipagkasundo kayong pakasal sa isang babae ngunit iba ang mapapangasawa niya. Magtatayo kayo ng bahay ngunit iba ang titira. Magtatanim kayo ng ubas ngunit iba ang makikinabang.
Deuteronomio 28:30 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Aagawin ng ibang lalaki ang babaeng magiging asawa ninyo. Magpapatayo kayo ng mga bahay pero hindi kayo ang titira rito. Magtatanim kayo ng ubas pero hindi kayo ang makikinabang sa mga bunga nito.
Deuteronomio 28:30 Ang Biblia (TLAB)
Ikaw ay magaasawa, at ibang lalake ang sisiping sa kaniya: ikaw ay magtatayo ng isang bahay, at hindi mo tatahanan: ikaw ay maguubasan, at hindi mo mapapakinabangan ang bunga niyaon.