Daniel 7:13-18 - Compare All Versions
Daniel 7:13-18 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Patuloy ang aking pangitain. Nakita ko sa alapaap sa langit ang parang isang tao. Lumapit siya sa Nabubuhay Magpakailanpaman. Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian upang paglingkuran siya ng lahat ng tao sa bawat bansa at wika. Ang pamamahala niya ay hindi magwawakas, at ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak. Akong si Daniel ay nalito at nabagabag dahil sa pangitaing iyon. Kaya't nilapitan ko ang isang nakatayo roon at tinanong ko siya kung ano ang kahulugan ng mga bagay na aking nasaksihan. Ipinaliwanag naman niya ang mga ito sa akin. Ang sabi niya, “Ang apat na halimaw ay apat na kahariang lilitaw sa daigdig. Ngunit ang mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos ang bibigyan ng karapatang mamahala magpakailanman.”
Daniel 7:13-18 ASD (Ang Salita ng Diyos)
“Pagkatapos, nakita ko ang parang anak ng tao na pinaliligiran ng ulap. Lumapit siya sa Diyos na Buháy Magpakailanman. Pinarangalan siya at binigyan ng kapangyarihang maghari, at naglingkod sa kanya ang lahat ng tao sa ibaʼt ibang bansa, lahi, at wika. Ang paghahari niya ay walang hanggan. At walang makakapagpabagsak ng kaharian niya. “Akong si Daniel ay nabagabag sa aking nakita. Kaya lumapit ako sa isang nakatayo roon at nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng nakita kong iyon. “Kaya sinabi niya sa akin at ibinigay niya ang kahulugan ng mga bagay na ito: ‘Ang apat na hayop ay tumutukoy sa apat na haring maghahari sa mundo. Ngunit ang mga banal ng Kataas-taasang Diyos ang siyang bibigyan ng kapangyarihang maghari magpakailanman.’
Daniel 7:13-18 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Patuloy ang aking pangitain. Nakita ko sa alapaap sa langit ang parang isang tao. Lumapit siya sa Nabubuhay Magpakailanpaman. Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian upang paglingkuran siya ng lahat ng tao sa bawat bansa at wika. Ang pamamahala niya ay hindi magwawakas, at ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak. Akong si Daniel ay nalito at nabagabag dahil sa pangitaing iyon. Kaya't nilapitan ko ang isang nakatayo roon at tinanong ko siya kung ano ang kahulugan ng mga bagay na aking nasaksihan. Ipinaliwanag naman niya ang mga ito sa akin. Ang sabi niya, “Ang apat na halimaw ay apat na kahariang lilitaw sa daigdig. Ngunit ang mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos ang bibigyan ng karapatang mamahala magpakailanman.”
Daniel 7:13-18 TLAB (Ang Biblia)
Ako'y nakakita sa pangitain sa gabi, at, narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang gaya ng anak ng tao, at siya'y naparoon sa matanda sa mga araw, at inilapit nila siya sa harap niya. At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba. Tungkol sa aking si Daniel, ang aking kalooban ay namanglaw sa loob ng aking katawan, at binagabag ako ng mga pangitain ng aking ulo. Ako'y lumapit sa isa sa kanila na nakatayo, at itinanong ko sa kaniya ang katotohanan tungkol sa lahat na ito. Sa gayo'y kaniyang isinaysay sa akin, at ipinaaninaw niya sa akin ang kahulugan ng mga bagay. Ang mga dakilang hayop na ito na apat, ay apat na hari, na magbabangon sa lupa. Nguni't ang mga banal ng Kataastaasan ay magsisitanggap ng kaharian, at aariin ang kaharian magpakailan man, sa makatuwid baga'y magpakakailan-kailan man.
Daniel 7:13-18 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))