Mga Taga-Colosas 4:2-6
Mga Taga-Colosas 4:2-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Maging masigasig kayo sa patuloy ninyong pananalangin nang may pag-iingat at pasasalamat. Ipanalangin nʼyo rin na bigyan kami ng Diyos ng pagkakataon na maihayag ang mensahe ng hiwagang tungkol kay Kristo na dahilan ng aking pagkabilanggo. Ipanalangin ninyong maipangaral ko ito nang mabuti, gaya nang nararapat. Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi mananampalataya, at samantalahin ninyo ang lahat ng pagkakataon na maibahagi ang pananampalataya nʼyo. Kung nakikipag-usap kayo sa kanila, gumamit kayo ng mga kawili-wiling salita upang makinig sila sa inyo, at dapat alam nʼyo kung paano sumagot sa tanong ng bawat isa.
Mga Taga-Colosas 4:2-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos. Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon. Ipanalangin din ninyong maipahayag ko ito nang buong linaw, gaya ng nararapat. Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at pahalagahan ninyo ang bawat pagkakataon. Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa sinumang nagtatanong.

Mga Taga-Colosas 4:2-6 Ang Biblia (TLAB)
Manatili kayong palagi sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na may pagpapasalamat; Na tuloy idalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa salita, upang aming salitain ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito'y may mga tanikala ako; Upang ito'y aking maihayag, gaya ng aking nararapat na salitain. Magsilakad kayo na may karunungan sa nangasa labas, na inyong samantalahin ang panahon. Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyong maalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.
Mga Taga-Colosas 4:2-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos. Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon. Ipanalangin din ninyong maipahayag ko ito nang buong linaw, gaya ng nararapat. Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi nananampalataya at pahalagahan ninyo ang bawat pagkakataon. Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa sinumang nagtatanong.
Mga Taga-Colosas 4:2-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)