Mga Taga-Colosas 4:2-3 - Compare All Versions
Mga Taga-Colosas 4:2-3 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos. Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon.
Mga Taga-Colosas 4:2-3 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Maging masigasig kayo sa patuloy ninyong pananalangin nang may pag-iingat at pasasalamat. Ipanalangin nʼyo rin na bigyan kami ng Diyos ng pagkakataon na maihayag ang mensahe ng hiwagang tungkol kay Kristo na dahilan ng aking pagkabilanggo.
Mga Taga-Colosas 4:2-3 TLAB (Ang Biblia)
Manatili kayong palagi sa pananalangin, na kayo'y mangagpuyat na may pagpapasalamat; Na tuloy idalangin din ninyo kami, na buksan sa amin ng Dios ang pinto sa salita, upang aming salitain ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito'y may mga tanikala ako
Mga Taga-Colosas 4:2-3 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Maging matiyaga kayo sa pananalangin, laging handa at nagpapasalamat sa Diyos. Idalangin ninyo sa Diyos na bigyan kami ng pagkakataon na maipangaral ang kanyang salita at maipahayag ang hiwaga ni Cristo, ang sanhi ng pagkabilanggo ko ngayon.
Mga Taga-Colosas 4:2-3 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))