Mga Taga-Colosas 3:15-17
Mga Taga-Colosas 3:15-17 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi. Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.
Mga Taga-Colosas 3:15-17 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Paghariin ninyo sa mga puso nʼyo ang kapayapaan ni Kristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat. Hayaan ninyong manahan nang lubusan sa inyong mga puso ang mga aral ni Kristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Diyos. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal na may pasasalamat sa Diyos sa mga puso ninyo. At anuman ang inyong gawin, sa salita man o sa gawa, gawin ninyo sa pangalan ng Panginoong Hesus nang may pasasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.
Mga Taga-Colosas 3:15-17 Ang Biblia (TLAB)
At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat. Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo'y mangagturuan at mangagpaalalahanan sa isa't isa sa pamamagitan ng mga salmo at ng mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na magsiawit kayong may biyaya sa inyong puso sa Dios. At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.
Mga Taga-Colosas 3:15-17 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi. Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.
Mga Taga-Colosas 3:15-17 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)