Amos 1:2
Amos 1:2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Amos, “Dumadagundong mula sa Bundok ng Zion ang tinig ni Yahweh, mula sa Jerusalem ang kanyang tinig ay naririnig. Natutuyo ang mga pastulan, nalalanta pati ang mga damo sa Bundok Carmel.”
Amos 1:2 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ni Amos: “Umaatungal ang PANGINOON mula sa Zion; dumadagundong ang tinig niya mula sa Jerusalem. Dahil dito natutuyo ang mga pastulan ng mga pastol at nalalanta ang mga tanim sa tuktok ng Bundok ng Carmel.”
Amos 1:2 Ang Biblia (TLAB)
At kaniyang sinabi, Ang Panginoon ay aangal mula sa Sion, at sisigaw ng kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang mga pastulan ng mga pastor ay mananambitan, at ang taluktok ng Carmelo ay matutuyo.