Mga Gawa 9:40 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 9:40 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Pinalabas ni Pedro ang lahat at siya'y lumuhod at nanalangin. Pagkatapos, humarap siya sa bangkay at sinabi, “Tabita, bumangon ka!” Dumilat si Tabita at naupo nang makita nito si Pedro.
Mga Gawa 9:40 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Pinalabas silang lahat ni Pedro sa kuwarto. Pagkatapos, lumuhod siya at nanalangin. Humarap siya sa bangkay at sinabi, “Tabita, bumangon ka!” Dumilat si Tabita, at pagkakita niya kay Pedro, naupo siya.
Mga Gawa 9:40 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pinalabas ni Pedro ang lahat at siya'y lumuhod at nanalangin. Pagkatapos, humarap siya sa bangkay at sinabi, “Tabita, bumangon ka!” Dumilat si Tabita at naupo nang makita nito si Pedro.
Mga Gawa 9:40 TLAB (Ang Biblia)
Datapuwa't pinalabas silang lahat ni Pedro, at lumuhod, at nanalangin; at pagbaling sa bangkay ay kaniyang sinabi, Tabita, magbangon ka. At iminulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro, ay naupo siya.
Mga Gawa 9:40 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))