Mga Gawa 8:26-31
Mga Gawa 8:26-31 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkatapos, si Felipe ay inutusan naman ng isang anghel ng Panginoon, “Pumunta ka agad sa gawing timog sa daang mula sa Jerusalem papuntang Gaza.” Hindi na iyon dinadaanan ngayon. Pumunta nga doon si Felipe, at dumating naman ang isang pinunong taga-Etiopia, na ingat-yaman ng Candace o reyna ng Etiopia. Galing ito sa Jerusalem at sumamba sa Diyos. Pauwi na ito noon, nakasakay sa kanyang karwahe at nagbabasa ng aklat ni Propeta Isaias. “Sabayan mo ang sasakyang iyon,” utos ng Espiritu kay Felipe. Kaya patakbong lumapit si Felipe at narinig niyang binabasa ng pinuno ang aklat ni Propeta Isaias. Tinanong ni Felipe ang pinuno, “Nauunawaan ba ninyo ang inyong binabasa?” Sagot naman nito, “Paano ko mauunawaan ito kung walang magpapaliwanag sa akin?” At si Felipe ay inanyayahan niyang sumakay sa karwahe at umupo sa kanyang tabi.
Mga Gawa 8:26-31 Ang Salita ng Diyos (ASD)
May isang anghel ng Panginoon na nagsabi kay Felipe, “Pumunta ka sa timog, at sundan mo ang ilang na daan mula sa Jerusalem papuntang Gaza.” Kaya umalis agad si Felipe. Doon sa daan, nakasalubong niya ang isang eunuko na taga-Etiopia. Ito ang ingat-yaman ng Candace, ang reyna ng Etiopia. Nagpunta ito sa Jerusalem upang sumamba sa Diyos. Pauwi na ito noon at nakaupo sa kanyang karwahe habang binabasa ang aklat ni Propeta Isaias. Sinabi ng Espiritu kay Felipe, “Lumapit ka sa karwaheng ʼyon at sabayan mo.” Kaya patakbong lumapit sa karwahe si Felipe, at narinig niyang binabasa ng lalaki ang aklat ni Propeta Isaias. Tinanong siya ni Felipe, “Nauunawaan ba ninyo ang inyong binabasa?” Sumagot ang eunuko, “Paano ko mauunawaan kung wala namang magpapaliwanag sa akin?” Kaya inanyayahan niya si Felipe na sumakay sa kanyang karwahe at maupo sa tabi niya.
Mga Gawa 8:26-31 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't nagsalita kay Felipe ang isang anghel ng Panginoon, na nagsasabi, Magtindig ka, at ikaw ay pumaroon sa dakong timugan, sa daang palusong mula sa Jerusalem hanggang sa Gaza: na ito'y ilang. At siya'y nagtindig at yumaon: at narito, ang isang lalaking taga Etiopia, isang bating na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace, reina ng mga Etiope, na siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan, at siya'y naparoon sa Jerusalem upang sumamba; At siya'y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo, at binabasa ang propeta Isaias. At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito. At tumakbo si Felipeng patungo sa kaniya, at napakinggan niyang binabasa si Isaias na propeta, at sinabi, Nauunawa mo baga ang binabasa mo? At sinabi niya, Paanong magagawa ko, maliban nang may pumatnubay sa aking sinoman? At pinakiusapan niya si Felipe na pumanhik at maupong kasama niya.
Mga Gawa 8:26-31 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagkatapos, si Felipe ay inutusan naman ng isang anghel ng Panginoon, “Pumunta ka agad sa gawing timog sa daang mula sa Jerusalem papuntang Gaza.” Hindi na iyon dinadaanan ngayon. Pumunta nga doon si Felipe, at dumating naman ang isang pinunong taga-Etiopia, na ingat-yaman ng Candace o reyna ng Etiopia. Galing ito sa Jerusalem at sumamba sa Diyos. Pauwi na ito noon, nakasakay sa kanyang karwahe at nagbabasa ng aklat ni Propeta Isaias. “Sabayan mo ang sasakyang iyon,” utos ng Espiritu kay Felipe. Kaya patakbong lumapit si Felipe at narinig niyang binabasa ng pinuno ang aklat ni Propeta Isaias. Tinanong ni Felipe ang pinuno, “Nauunawaan ba ninyo ang inyong binabasa?” Sagot naman nito, “Paano ko mauunawaan ito kung walang magpapaliwanag sa akin?” At si Felipe ay inanyayahan niyang sumakay sa karwahe at umupo sa kanyang tabi.
Mga Gawa 8:26-31 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)