Mga Gawa 6:1-4
Mga Gawa 6:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang mga panahong iyon, dumarami na ang mga alagad ni Hesus. Nagreklamo ang mga Hudyong nagsasalita ng Griyego laban sa mga Hudyong nagsasalita ng Hebreo. Itoʼy sa dahilang napapabayaan ang pang-araw-araw na rasyon para sa mga biyuda sa pangkat nila. Kaya ipinatawag ng labindalawang apostol ang lahat ng alagad, at sinabihan sila, “Hindi tamang pabayaan namin ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mamahala ng mga rasyon. Kaya mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking may malilinis na pangalan, puspos ng Espiritu at karunungan. Sa kanila namin ibibigay ang tungkuling ito. At ilalaan naman namin ang aming oras sa pananalangin at sa pangangaral ng salita ng Diyos.”
Mga Gawa 6:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Patuloy ang pagdami ng mga mananampalataya at dumating ang panahong nagreklamo ang mga Helenista laban sa mga Hebreo. Sinabi nilang ang mga biyuda sa pangkat nila ay napapabayaan sa pang-araw-araw na pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya't tinipon ng Labindalawa ang buong kapulungan ng mga mananampalataya at sinabi sa kanila, “Hindi namin dapat pabayaan ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mangasiwa sa pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya, mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking iginagalang, puspos ng Espiritu, at matatalino upang ilagay namin sila sa tungkuling ito. Samantala, iuukol naman namin ang aming panahon sa pananalangin at sa pangangaral ng salita.”

Mga Gawa 6:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Nang mga araw ngang ito, nang dumadami ang bilang ng mga alagad, ay nagkaroon ng bulongbulungan ang mga Greco-Judio laban sa mga Hebreo, sapagka't ang kanilang mga babaing bao ay pinababayaan sa pamamahagi sa araw-araw. At tinawag ng labingdalawa ang karamihang mga alagad, at sinabi, Hindi marapat na aming pabayaan ang salita ng Dios, at mangaglingkod sa mga dulang. Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito. Datapuwa't magsisipanatili kaming matibay sa pananalangin, at sa ministerio ng salita.
Mga Gawa 6:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Patuloy ang pagdami ng mga mananampalataya at dumating ang panahong nagreklamo ang mga Helenista laban sa mga Hebreo. Sinabi nilang ang mga biyuda sa pangkat nila ay napapabayaan sa pang-araw-araw na pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya't tinipon ng Labindalawa ang buong kapulungan ng mga mananampalataya at sinabi sa kanila, “Hindi namin dapat pabayaan ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mangasiwa sa pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya, mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking iginagalang, puspos ng Espiritu, at matatalino upang ilagay namin sila sa tungkuling ito. Samantala, iuukol naman namin ang aming panahon sa pananalangin at sa pangangaral ng salita.”
Mga Gawa 6:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)