Mga Gawa 6:1-15
Mga Gawa 6:1-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Patuloy ang pagdami ng mga mananampalataya at dumating ang panahong nagreklamo ang mga Helenista laban sa mga Hebreo. Sinabi nilang ang mga biyuda sa pangkat nila ay napapabayaan sa pang-araw-araw na pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya't tinipon ng Labindalawa ang buong kapulungan ng mga mananampalataya at sinabi sa kanila, “Hindi namin dapat pabayaan ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mangasiwa sa pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya, mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking iginagalang, puspos ng Espiritu, at matatalino upang ilagay namin sila sa tungkuling ito. Samantala, iuukol naman namin ang aming panahon sa pananalangin at sa pangangaral ng salita.” Nalugod ang buong kapulungan sa panukalang ito, kaya't pinili nila si Esteban, isang lalaking lubusang nananampalataya sa Diyos at puspos ng Espiritu Santo, at sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at si Nicolas na taga-Antioquia, isang Hentil na nahikayat sa pananampalataya ng mga Judio. Nang iharap sila sa mga apostol, sila'y ipinanalangin at pinatungan ng kamay. Patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at ang mga sumasampalataya ay parami nang parami sa Jerusalem. Maging sa mga paring Judio ay marami ring sumampalataya. Pinagpala ng Diyos si Esteban at pinagkalooban ng kapangyarihan, kaya't nakakagawa siya ng maraming kababalaghan at himala sa harapan ng madla. Minsan, nakipagtalo sa kanya ang ilang kasapi ng sinagoga ng mga Pinalaya, na binubuo ng mga Judiong taga-Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia. Ngunit wala silang magawâ sa karunungang kaloob ng Espiritu kay Esteban. Kaya't lihim nilang sinulsulan ang ilang lalaki na magpatotoo laban sa kanya ng ganito, “Narinig naming nilalait niya si Moises at ang Diyos.” Sa gayon, naudyukan nilang magalit kay Esteban ang mga tao, ang mga pinuno ng bayan at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Siya'y sinunggaban nila at dinala sa Sanedrin. Nagharap sila ng mga sinungaling na saksi laban kay Esteban. Sinabi nila, “Ang taong ito ay walang tigil ng pagsasalita laban sa banal na Templo at sa Kautusan ni Moises. Narinig naming sinasabi niya na ang Templo raw ay gigibain nitong si Jesus na taga-Nazaret, at papalitan ang mga kaugaliang ipinamana sa atin ni Moises.” Si Esteban ay pinagmasdang mabuti ng lahat ng nakaupo sa Sanedrin, at nakita nila na ang kanyang mukha ay parang mukha ng anghel.
Mga Gawa 6:1-15 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang mga panahong iyon, dumarami na ang mga alagad ni Hesus. Nagreklamo ang mga Hudyong nagsasalita ng Griyego laban sa mga Hudyong nagsasalita ng Hebreo. Itoʼy sa dahilang napapabayaan ang pang-araw-araw na rasyon para sa mga biyuda sa pangkat nila. Kaya ipinatawag ng labindalawang apostol ang lahat ng alagad, at sinabihan sila, “Hindi tamang pabayaan namin ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mamahala ng mga rasyon. Kaya mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking may malilinis na pangalan, puspos ng Espiritu at karunungan. Sa kanila namin ibibigay ang tungkuling ito. At ilalaan naman namin ang aming oras sa pananalangin at sa pangangaral ng salita ng Diyos.” Sumang-ayon ang lahat ng mga alagad sa sinabi ng mga apostol. Kaya pinili nila si Esteban na puno ng pananampalataya at puspos ng Banal na Espiritu, sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at Nicolas na taga-Antioquia. Si Nicolas ay isang Hentil na nahikayat sa pananampalataya ng mga Hudyo. Dinala nila ang mga napiling ito sa mga apostol. Silaʼy ipinanalangin ng mga ito at pinatungan ng kamay bilang pagtatalaga sa tungkulin. Kaya patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at mabilis na dumami ang mga naging alagad sa Jerusalem, at maraming paring Hudyo ang sumampalataya sa kanya. Si Esteban, na puno ng biyaya at kapangyarihang mula sa Diyos, ay gumawa ng mga kamangha-manghang himala at tanda sa harap ng mga tao. Subalit nakipagtalo sa kanya ang ilan sa mga Hudyong mula sa Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia na kasapi sa Sinagoga ng mga Pinalayang Alipin. Ngunit hindi nila siya kayang talunin dahil sa karunungang kaloob sa kanya ng Espiritu. Kaya lihim nilang sinulsulan ang ilang tao na magsabi, “Narinig namin siyang nagsasalita ng kalapastanganan laban kay Moises at sa Diyos.” Sa ganitong paraan, naudyukan nilang magalit ang mga tao, ang mga pinuno ng mga Hudyo, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Dinakip nila si Esteban at iniharap sa Sanhedrin. Mayroon din silang iniharap na mga bulaang saksi na nagsabi, “Ang taong ito ay palaging nagsasalita laban sa ating banal na Templo at sa Kautusan. Narinig naming sinabi niya na gigibain nitong si Hesus na taga-Nazaret ang ating Templo at babaguhin niya ang mga kaugaliang ipinamana sa atin ni Moises.” Tinitigan si Esteban ng lahat ng miyembro ng Sanhedrin, at nakita nilang nagliliwanag ang kanyang mukha katulad ng sa anghel.
Mga Gawa 6:1-15 Ang Biblia (TLAB)
Nang mga araw ngang ito, nang dumadami ang bilang ng mga alagad, ay nagkaroon ng bulongbulungan ang mga Greco-Judio laban sa mga Hebreo, sapagka't ang kanilang mga babaing bao ay pinababayaan sa pamamahagi sa araw-araw. At tinawag ng labingdalawa ang karamihang mga alagad, at sinabi, Hindi marapat na aming pabayaan ang salita ng Dios, at mangaglingkod sa mga dulang. Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito. Datapuwa't magsisipanatili kaming matibay sa pananalangin, at sa ministerio ng salita. At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito: at kanilang inihalal si Esteban, taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo, at si Felipe, at si Procoro, at si Nicanor, at si Timon, at si Parmenas, at si Nicolas na taga Antioquia na naging Judio; Na siyang iniharap nila sa mga apostol: at nang sila'y mangakapanalangin na, ay ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon. At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote. At si Esteban, na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao. Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa nangasa sinagoga, na tinatawag na sinagoga ng mga Libertino, at ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ng mga taga Cilicia, at taga Asia, na nangakipagtalo kay Esteban. At hindi sila makalaban sa karunungan at sa Espiritu na kaniyang ipinangungusap. Nang magkagayo'y nagsisuhol sila sa mga lalake, na nangagsabi, Narinig naming siya'y nagsalita ng mga salitang kapusungan laban kay Moises at sa Dios. At kanilang ginulo ang bayan, at ang mga matanda, at ang mga eskriba, at kanilang dinaluhong, at sinunggaban si Esteban, at dinala siya sa Sanedrin, At nangagharap ng mga saksing sinungaling, na nangagsabi, Ang taong ito'y hindi naglilikat ng pagsasalita ng mga salitang laban dito sa dakong banal, at sa kautusan: Sapagka't narinig naming kaniyang sinabi, na itong si Jesus na taga Nazaret ay iwawasak ang dakong ito, at babaguhin ang mga kaugaliang ibinigay sa atin ni Moises. At ang lahat ng nangakaupo sa Sanedrin, na nagsisititig sa kaniya, ay kanilang nakita ang kaniyang mukha na katulad ng mukha ng isang anghel.
Mga Gawa 6:1-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Patuloy ang pagdami ng mga mananampalataya at dumating ang panahong nagreklamo ang mga Helenista laban sa mga Hebreo. Sinabi nilang ang mga biyuda sa pangkat nila ay napapabayaan sa pang-araw-araw na pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya't tinipon ng Labindalawa ang buong kapulungan ng mga mananampalataya at sinabi sa kanila, “Hindi namin dapat pabayaan ang pangangaral ng salita ng Diyos upang mangasiwa sa pamamahagi ng ikabubuhay. Kaya, mga kapatid, pumili kayo sa mga kasamahan ninyo ng pitong lalaking iginagalang, puspos ng Espiritu, at matatalino upang ilagay namin sila sa tungkuling ito. Samantala, iuukol naman namin ang aming panahon sa pananalangin at sa pangangaral ng salita.” Nalugod ang buong kapulungan sa panukalang ito, kaya't pinili nila si Esteban, isang lalaking lubusang nananampalataya sa Diyos at puspos ng Espiritu Santo, at sina Felipe, Procoro, Nicanor, Timon, Parmenas, at si Nicolas na taga-Antioquia, isang Hentil na nahikayat sa pananampalataya ng mga Judio. Nang iharap sila sa mga apostol, sila'y ipinanalangin at pinatungan ng kamay. Patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at ang mga sumasampalataya ay parami nang parami sa Jerusalem. Maging sa mga paring Judio ay marami ring sumampalataya. Pinagpala ng Diyos si Esteban at pinagkalooban ng kapangyarihan, kaya't nakakagawa siya ng maraming kababalaghan at himala sa harapan ng madla. Minsan, nakipagtalo sa kanya ang ilang kasapi ng sinagoga ng mga Pinalaya, na binubuo ng mga Judiong taga-Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia. Ngunit wala silang magawâ sa karunungang kaloob ng Espiritu kay Esteban. Kaya't lihim nilang sinulsulan ang ilang lalaki na magpatotoo laban sa kanya ng ganito, “Narinig naming nilalait niya si Moises at ang Diyos.” Sa gayon, naudyukan nilang magalit kay Esteban ang mga tao, ang mga pinuno ng bayan at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Siya'y sinunggaban nila at dinala sa Sanedrin. Nagharap sila ng mga sinungaling na saksi laban kay Esteban. Sinabi nila, “Ang taong ito ay walang tigil ng pagsasalita laban sa banal na Templo at sa Kautusan ni Moises. Narinig naming sinasabi niya na ang Templo raw ay gigibain nitong si Jesus na taga-Nazaret, at papalitan ang mga kaugaliang ipinamana sa atin ni Moises.” Si Esteban ay pinagmasdang mabuti ng lahat ng nakaupo sa Sanedrin, at nakita nila na ang kanyang mukha ay parang mukha ng anghel.
Mga Gawa 6:1-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)