Mga Gawa 5:3-5
Mga Gawa 5:3-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kaya't sinabi ni Pedro, “Ananias, bakit ka nagpadala kay Satanas at nagsinungaling ka sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo ng lupa? Bago mo ipinagbili ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo rin ang pinagbilhan? Bakit mo naisipang gawin iyon? Hindi ka sa tao nagsinungaling kundi sa Diyos.” Nang marinig ito ni Ananias, siya'y patay na bumagsak, at lahat ng nakabalita sa pangyayaring iyon ay pinagharian ng matinding takot.
Mga Gawa 5:3-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nagtanong si Pedro, “Ananias, bakit ka nagpalinlang kay Satanas? Nagsinungaling ka sa Banal na Espiritu at itinago mo ang ilang bahagi ng pinagbilhan ng lupa ninyo. Hindi baʼt ikaw ang may-ari ng lupa bago mo ʼyon ipinagbili? At nang maipagbili na, hindi baʼt ikaw rin ang magpapasya kung ano ang gagawin mo sa pera? Paano mo nagawang magbalak ng ganito sa iyong puso? Hindi ka sa tao nagsinungaling, kundi sa Diyos!” Nang marinig iyon ni Ananias, natumba siya at namatay. Lumapit ang mga binata at binalot ang bangkay. Pagkatapos, binuhat ito palabas at inilibing. At ang lahat ng nakarinig sa pangyayaring iyon ay lubhang natakot.
Mga Gawa 5:3-5 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't sinabi ni Pedro, Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa Espiritu Santo, at upang maglingid ng isang bahagi ng halaga ng lupa? Nang yao'y nananatili pa, hindi baga yao'y nanatiling iyong sarili? at nang maipagbili na, hindi baga nasa iyo ring kapangyarihan? Ano't inisip mo pa ang bagay na ito sa iyong puso? hindi ka nagsinungaling sa mga tao, kundi sa Dios. At nang marinig ni Ananias ang mga salitang ito ay nahandusay at nalagot ang hininga: at sinidlan ng malaking takot ang lahat ng nangakarinig nito.
Mga Gawa 5:3-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kaya't sinabi ni Pedro, “Ananias, bakit ka nagpadala kay Satanas at nagsinungaling ka sa Espiritu Santo? Bakit mo binawasan ang pinagbilhan mo ng lupa? Bago mo ipinagbili ang lupa, hindi ba iyo iyon? At nang maipagbili na, hindi ba iyo rin ang pinagbilhan? Bakit mo naisipang gawin iyon? Hindi ka sa tao nagsinungaling kundi sa Diyos.” Nang marinig ito ni Ananias, siya'y patay na bumagsak, at lahat ng nakabalita sa pangyayaring iyon ay pinagharian ng matinding takot.
Mga Gawa 5:3-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)