Mga Gawa 28:1-9
Mga Gawa 28:1-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang makaligtas na kami, nalaman naming ang pulong iyon ay tinatawag na Malta. Napakaganda ng ipinakita sa amin ng mga tagaroon, sapagkat nang bumagsak ang ulan at naging maginaw, nagsiga sila at inasikaso kaming mabuti. Si Pablo nama'y namulot ng kahoy at nang mailagay ang mga iyon sa sigá, mula roo'y lumabas ang isang ahas. Tinuklaw nito at pinuluputan ang kamay ni Pablo. Nang makita ng mga tagaroon ang ahas na nakabitin sa kamay ni Pablo, nasabi nila sa isa't isa, “Siguro'y mamamatay-tao iyan. Nakaligtas nga siya sa dagat ngunit hindi naman ipinahintulot ng langit na siya'y mabuhay pa.” Subalit ipinagpag lamang ni Pablo sa apoy ang ahas at hindi siya naano. Hinihintay nilang mamaga si Pablo, o kaya'y biglang mabuwal at mamatay. Nang matagal na silang naghihintay at wala namang nangyayari sa kanya, nagbago sila ng akala. “Siya'y isang diyos,” sabi nila. Ang pinuno sa pulong iyon ay isang nagngangalang Publio, at malapit sa lugar na iyon ang kanyang lupain. Malugod niya kaming pinatuloy sa loob ng tatlong araw. Ang ama ni Publio ay nagkataong nakaratay noon dahil sa lagnat at disintirya, kaya't ito'y dinalaw ni Pablo. Pagkatapos manalangin, ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa maysakit at ito'y gumaling. Dahil sa nangyaring ito, nagdatingan ang mga tagaroong may karamdaman, at sila'y pinagaling din ni Pablo.
Mga Gawa 28:1-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang makaligtas na kami sa panganib, nalaman namin na ang islang iyon ay tinatawag na Malta. Napakabait sa amin ng mga tagaroon at mabuti ang kanilang pagtanggap sa aming lahat. Nagpaningas sila ng apoy, dahil umuulan at maginaw. Kumuha si Pablo ng isang bigkis ng kahoy na panggatong. Ngunit nang mailagay na niya ang mga kahoy sa apoy, may makamandag na ahas na biglang lumabas dahil sa init ng apoy, at tinuklaw ang kanyang kamay. Nang makita ng mga tagaroon ang ahas na nakabitin sa kamay ni Pablo, sinabi nila, “Tiyak na kriminal ang taong ito. Nakaligtas siya sa dagat pero ayaw pumayag ng diyosa ng katarungan na mabuhay pa siya.” Ngunit ipinagpag lang ni Pablo ang ahas doon sa apoy at walang masamang nangyari sa kanya. Hinihintay ng mga tao na mamaga ang kamay ni Pablo o kayaʼy matumba siya at mamatay. Ngunit matapos nilang maghintay nang matagal, walang nangyari kay Pablo. Kaya nagbago ang isip nila at nasabi na isa siyang diyos. Si Publio ang pinuno ng lugar na iyon at malapit sa kanyang lupa ang lugar na napuntahan namin. Mabuti ang kanyang pagtanggap sa amin, at doon kami tumuloy sa kanila sa loob ng tatlong araw. Nagkataon noon na ang ama ni Publio ay may sakit na lagnat at disenteriya. Kaya pumasok si Pablo sa silid nito, nanalangin, at ipinatong niya ang kanyang kamay sa maysakit at gumaling ito. Dahil sa pangyayaring iyon, ang lahat ng maysakit sa isla ay pumunta sa amin at napagaling din sila.
Mga Gawa 28:1-9 Ang Biblia (TLAB)
At nang kami'y mangakatakas na, nang magkagayo'y napagtalastas namin na ang pulo'y tinatawag na Melita. At pinagpakitaan kami ng hindi karaniwang kagandahang-loob ng mga barbaro: sapagka't sila'y nagsiga, at tinanggap kaming lahat, dahil sa ulan niyaon, at dahil sa ginaw. Datapuwa't pagkapagtipon ni Pablo ng isang bigkis na kahoy at mailagay sa apoy, ay lumabas ang isang ulupong dahil sa init, at kumapit sa kaniyang kamay. At nang makita ng mga barbaro ang makamandag na hayop na nakabitin sa kaniyang kamay, ay nagsabi ang isa sa iba, Walang salang mamamatay-tao ang taong ito, na, bagama't siya'y nakatakas sa dagat, gayon ma'y hindi siya pinabayaang mabuhay ng Katarungan. Gayon ma'y ipinagpag niya ang hayop sa apoy, at siya'y hindi nasaktan. Nguni't kanilang hinihintay na siya'y mamaga, o biglang mabuwal na patay: datapuwa't nang maluwat na silang makapaghintay, at makitang walang nangyari sa kaniyang anoman, ay nangagbago sila ng akala, at nangagsabing siya'y isang dios. At sa mga kalapit ng dakong yao'y may mga lupain ang pangulo sa pulong yaon, na nagngangalang Publio; na tumanggap sa amin, at nagkupkop sa aming tatlong araw na may kagandahang-loob. At nangyari, nararatay ang ama ni Publio na may-sakit na lagnat at iti: at pinasok siya ni Pablo, at nanalangin, at nang maipatong sa kaniya ang kaniyang mga kamay ay siya'y pinagaling. At nang magawa na ito, ay nagsiparoon naman ang mga ibang maysakit sa pulo, at pawang pinagaling
Mga Gawa 28:1-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang makaligtas na kami, nalaman naming ang pulong iyon ay tinatawag na Malta. Napakaganda ng ipinakita sa amin ng mga tagaroon, sapagkat nang bumagsak ang ulan at naging maginaw, nagsiga sila at inasikaso kaming mabuti. Si Pablo nama'y namulot ng kahoy at nang mailagay ang mga iyon sa sigá, mula roo'y lumabas ang isang ahas. Tinuklaw nito at pinuluputan ang kamay ni Pablo. Nang makita ng mga tagaroon ang ahas na nakabitin sa kamay ni Pablo, nasabi nila sa isa't isa, “Siguro'y mamamatay-tao iyan. Nakaligtas nga siya sa dagat ngunit hindi naman ipinahintulot ng langit na siya'y mabuhay pa.” Subalit ipinagpag lamang ni Pablo sa apoy ang ahas at hindi siya naano. Hinihintay nilang mamaga si Pablo, o kaya'y biglang mabuwal at mamatay. Nang matagal na silang naghihintay at wala namang nangyayari sa kanya, nagbago sila ng akala. “Siya'y isang diyos,” sabi nila. Ang pinuno sa pulong iyon ay isang nagngangalang Publio, at malapit sa lugar na iyon ang kanyang lupain. Malugod niya kaming pinatuloy sa loob ng tatlong araw. Ang ama ni Publio ay nagkataong nakaratay noon dahil sa lagnat at disintirya, kaya't ito'y dinalaw ni Pablo. Pagkatapos manalangin, ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa maysakit at ito'y gumaling. Dahil sa nangyaring ito, nagdatingan ang mga tagaroong may karamdaman, at sila'y pinagaling din ni Pablo.
Mga Gawa 28:1-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)