Mga Gawa 27:33-38 - Compare All Versions
Mga Gawa 27:33-38 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Nang mag-uumaga na, silang lahat ay hinimok ni Pablo upang kumain. “Labing-apat na araw na ngayong kayo'y hindi kumakain dahil sa pagkabalisa at paghihintay. Kumain na kayo! Kailangan ninyo ito upang kayo'y makaligtas. Hindi maaano ang sinuman sa inyo!” At pagkasabi nito, kumuha siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat sa Diyos, pinagpira-piraso ang tinapay at kumain. Lumakas ang loob ng lahat at sila'y kumain din. Kaming lahat ay 276 katao. Nang mabusog sila, itinapon nila sa dagat ang kargang trigo upang gumaan ang barko.
Mga Gawa 27:33-38 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Nang madaling-araw na, pinilit silang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, “Labing-apat na araw na kayong naghihintay na lumipas ang bagyo, at hindi pa kayo kumakain. Kaya pakiusap, kumain kayo. Kailangan ninyo ito para makaligtas kayo dahil walang mamamatay sa inyo kahit isa.” Pagkatapos magsalita ni Pablo, kumuha siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat siya sa Diyos. Pinira-piraso niya ang tinapay at kumain. Lumakas ang kanilang loob at kumain silang lahat. Kaming lahat na sakay ng barko ay 276 na katao. Nang makakain na ang lahat at mabusog, itinapon nila sa dagat ang kanilang mga dalang trigo para gumaan ang barko.
Mga Gawa 27:33-38 TLAB (Ang Biblia)
At samantalang naguumaga, ay ipinamanhik ni Pablo sa lahat na magsikain, na sinasabi, Ang araw na ito ang ikalabingapat na araw na kayo'y nangaghihintay at nangagpapatuloy sa hindi pagkain, na walang kinakaing anoman. Kaya nga ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsikain: sapagka't ito'y sa ikaliligtas ninyo: sapagka't hindi mawawala kahit isang buhok sa ulo ng sinoman sa inyo. At nang masabi na niya ito, at makadampot ng tinapay, ay nagpasalamat siya sa Dios sa harapan ng lahat; at kaniyang pinagputolputol, at pinasimulang kumain. Nang magkagayo'y nagsilakas ang loob ng lahat, at sila nama'y pawang nagsikain din. At kaming lahat na nangasa daong ay dalawang daan at pitongpu't anim na kaluluwa. At nang mangabusog na sila, ay pinagaan nila ang daong, na ipinagtatapon sa dagat ang trigo.
Mga Gawa 27:33-38 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nang mag-uumaga na, silang lahat ay hinimok ni Pablo upang kumain. “Labing-apat na araw na ngayong kayo'y hindi kumakain dahil sa pagkabalisa at paghihintay. Kumain na kayo! Kailangan ninyo ito upang kayo'y makaligtas. Hindi maaano ang sinuman sa inyo!” At pagkasabi nito, kumuha siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat sa Diyos, pinagpira-piraso ang tinapay at kumain. Lumakas ang loob ng lahat at sila'y kumain din. Kaming lahat ay 276 katao. Nang mabusog sila, itinapon nila sa dagat ang kargang trigo upang gumaan ang barko.
Mga Gawa 27:33-38 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))