Mga Gawa 27:33-36
Mga Gawa 27:33-36 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang mag-uumaga na, silang lahat ay hinimok ni Pablo upang kumain. “Labing-apat na araw na ngayong kayo'y hindi kumakain dahil sa pagkabalisa at paghihintay. Kumain na kayo! Kailangan ninyo ito upang kayo'y makaligtas. Hindi maaano ang sinuman sa inyo!” At pagkasabi nito, kumuha siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat sa Diyos, pinagpira-piraso ang tinapay at kumain. Lumakas ang loob ng lahat at sila'y kumain din.
Mga Gawa 27:33-36 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang madaling-araw na, pinilit silang lahat ni Pablo na kumain. Sinabi niya, “Labing-apat na araw na kayong naghihintay na lumipas ang bagyo, at hindi pa kayo kumakain. Kaya pakiusap, kumain kayo. Kailangan ninyo ito para makaligtas kayo dahil walang mamamatay sa inyo kahit isa.” Pagkatapos magsalita ni Pablo, kumuha siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat siya sa Diyos. Pinira-piraso niya ang tinapay at kumain. Lumakas ang kanilang loob at kumain silang lahat.
Mga Gawa 27:33-36 Ang Biblia (TLAB)
At samantalang naguumaga, ay ipinamanhik ni Pablo sa lahat na magsikain, na sinasabi, Ang araw na ito ang ikalabingapat na araw na kayo'y nangaghihintay at nangagpapatuloy sa hindi pagkain, na walang kinakaing anoman. Kaya nga ipinamamanhik ko sa inyo na kayo'y magsikain: sapagka't ito'y sa ikaliligtas ninyo: sapagka't hindi mawawala kahit isang buhok sa ulo ng sinoman sa inyo. At nang masabi na niya ito, at makadampot ng tinapay, ay nagpasalamat siya sa Dios sa harapan ng lahat; at kaniyang pinagputolputol, at pinasimulang kumain. Nang magkagayo'y nagsilakas ang loob ng lahat, at sila nama'y pawang nagsikain din.
Mga Gawa 27:33-36 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang mag-uumaga na, silang lahat ay hinimok ni Pablo upang kumain. “Labing-apat na araw na ngayong kayo'y hindi kumakain dahil sa pagkabalisa at paghihintay. Kumain na kayo! Kailangan ninyo ito upang kayo'y makaligtas. Hindi maaano ang sinuman sa inyo!” At pagkasabi nito, kumuha siya ng tinapay, at sa harapan ng lahat ay nagpasalamat sa Diyos, pinagpira-piraso ang tinapay at kumain. Lumakas ang loob ng lahat at sila'y kumain din.
Mga Gawa 27:33-36 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)