Mga Gawa 26:1-6
Mga Gawa 26:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Maaari ka nang magsalita; ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” Nagbigay-galang si Pablo at nagsalita bilang pagtatanggol sa sarili. “Haring Agripa, itinuturing ko pong isang malaking kapalaran na marinig ninyo ang pagtatanggol ko sa aking sarili laban sa mga paratang ng mga Judio sapagkat lubos ninyong nababatid ang mga kaugalian at pagtatalo ng mga Judio. Kaya't hinihiling ko pong pagtiyagaan ninyo akong pakinggan. “Alam ng lahat ng Judio kung paano ako namuhay mula pa sa aking kamusmusan sa aking sariling bayan at sa Jerusalem. Matagal na nilang alam, at sila na ang makakapagpatotoo kung kanilang gugustuhin, na ako'y namuhay bilang kaanib ng pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon, ang sekta ng mga Pariseo. At ngayo'y nililitis ako dahil sa aking pag-asa sa pangako ng Diyos sa aming mga ninuno.
Mga Gawa 26:1-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkatapos, sinabi ni Agripa kay Pablo, “Maaari ka nang magsalita upang ipagtanggol ang iyong sarili.” Kaya sumenyas si Pablo na magsasalita na siya. Sinabi niya, “Haring Agripa, mapalad po ako dahil binigyan ninyo ako ng pagkakataong tumayo sa inyong harapan upang maipagtanggol ang aking sarili sa lahat ng akusasyon ng mga Hudyo laban sa akin. Lalo naʼt alam na alam ninyo ang lahat ng kaugalian at mga pinagtatalunan ng mga Hudyo. Kaya hinihiling ko na kung maaari ay pakinggan nʼyo ang sasabihin ko. “Alam ng mga Hudyo kung paano ako namuhay mula sa aking pagkabata, sa aking sariling bayan at sa Jerusalem. Matagal na nila akong kilala, at kung gugustuhin nilaʼy sila mismo ang makapagpapatunay na namuhay ako ayon sa pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon, ang sekta ng mga Pariseo. At ngayon, nililitis ako sa korteng ito dahil umaasa akong tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako sa aming mga ninuno.
Mga Gawa 26:1-6 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi ni Agripa kay Pablo, Ipinahihintulot sa iyong magsaysay ka sa ganang iyo. Nang magkagayo'y iniunat ni Pablo ang kaniyang kamay, at ginawa ang kaniyang pagsasanggalang: Ikinaliligaya kong lubha, haring Agripa, na sa harapan mo'y gawin ko ang aking pagsasanggalang sa araw na ito tungkol sa lahat ng mga bagay na isinasakdal ng mga Judio laban sa akin. Lalong-lalo na sapagka't bihasa ka sa lahat ng mga kaugalian at mga suliranin na mayroon ang mga Judio: kaya nga ipinamamanhik ko sa iyo na pagdalitaan mong dinggin ako. Ang akin ngang pamumuhay mula sa aking pagkabata, na nang una'y inugali ko sa gitna ng aking bansa at sa Jerusalem, ay nalalaman ng lahat ng mga Judio; Na napagtatalastas nila mula pa nang una, kung ibig nilang magsisaksi, na alinsunod sa lalong mahigpit na sekta ng aming relihion ay nabuhay akong isang Fariseo. At ngayo'y nakatayo ako upang hatulan dahil sa pagasa sa pangakong ginawa ng Dios sa aming mga magulang
Mga Gawa 26:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ni Agripa kay Pablo, “Maaari ka nang magsalita; ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” Nagbigay-galang si Pablo at nagsalita bilang pagtatanggol sa sarili. “Haring Agripa, itinuturing ko pong isang malaking kapalaran na marinig ninyo ang pagtatanggol ko sa aking sarili laban sa mga paratang ng mga Judio sapagkat lubos ninyong nababatid ang mga kaugalian at pagtatalo ng mga Judio. Kaya't hinihiling ko pong pagtiyagaan ninyo akong pakinggan. “Alam ng lahat ng Judio kung paano ako namuhay mula pa sa aking kamusmusan sa aking sariling bayan at sa Jerusalem. Matagal na nilang alam, at sila na ang makakapagpatotoo kung kanilang gugustuhin, na ako'y namuhay bilang kaanib ng pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon, ang sekta ng mga Pariseo. At ngayo'y nililitis ako dahil sa aking pag-asa sa pangako ng Diyos sa aming mga ninuno.
Mga Gawa 26:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)