Mga Gawa 25:13-19
Mga Gawa 25:13-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Makalipas ang ilang araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at si Bernice upang bumati kay Festo. Nang matagal-tagal na sila roon, isinalaysay ni Festo sa hari ang tungkol kay Pablo. Sinabi ni Festo kay Haring Agripa, “Si Felix ay may iniwan ditong isang bilanggo. Nang ako'y nasa Jerusalem, inireklamo ito sa akin ng mga punong pari at ng mga pinuno ng mga Judio at hininging parusahan siya. Sinagot ko silang hindi kaugaliang Romano ang magparusa sa sinumang inirereklamo hangga't hindi nito naipagtatanggol ang kanyang sarili laban sa mga nagsasakdal sa kanya. Kaya't nang dumating sila rito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon; kinabukasan din, ipinatawag ko siya sa hukuman. Nang tumayo ang mga nagsasakdal, hindi nila siya pinaratangan ng anumang mabigat na pagkakasala na inaakala kong ipaparatang nila. Ang tangi nilang pinagtatalunan ay tungkol sa kanilang relihiyon at sa isang tao na ang pangala'y Jesus. Patay na ang taong ito, ngunit ipinipilit naman ni Pablo na siya'y buháy.
Mga Gawa 25:13-19 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkalipas ng ilang araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at ang kanyang kapatid na si Bernice dahil gusto nilang magbigay-galang kay Festo. Sa kanilang pananatili doon ng ilang araw, isinalaysay ni Festo sa hari ang kaso ni Pablo. Sinabi niya, “May bilanggong iniwan dito si Felix. Noong pumunta ako sa Jerusalem, inakusahan ang taong ito ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo. Hiniling nila sa akin na hatulan ko siya.” “Sinabi ko sa kanila na hindi kaugaliang Romano na parusahan ang kahit sino na hindi humaharap sa mga nag-aakusa sa kanya, at hindi pa nabibigyan ng pagkakataon na masagot ang mga akusasyon laban sa kanya. Kaya nang sumáma sila sa akin pabalik dito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kinabukasan din ay umupo ako sa hukuman at iniutos kong dalhin sa akin ang taong ito. Ngunit ang mga paratang sa kanya ay hindi naman talaga mabibigat gaya ng inaasahan ko. Sa halip, ang mga bagay na pinagtatalunan nila ay tungkol lang sa relihiyon nila at sa isang taong ang pangalan ay Hesus. Patay na ang taong ito, ngunit iginiit ni Pablo na buháy siya.
Mga Gawa 25:13-19 Ang Biblia (TLAB)
Nang makaraan nga ang ilang mga araw, si Agripa na hari at si Bernice ay nangagsidating sa Cesarea, at nagsibati kay Festo. At nang sila'y magsitira roong maraming araw, ay isinaysay ni Festo sa hari ang usapin ni Pablo, na sinasabi, May isang taong bilanggo na iniwan ni Felix: Tungkol sa kaniya nang ako'y nasa Jerusalem, ang mga pangulong saserdote at ang mga matanda sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa akin, na hinihinging ako'y humatol laban sa kaniya. Sa kanila'y aking isinagot, na hindi kaugalian ng mga taga Roma na ibigay ang sinomang tao, hanggang hindi nahaharap ang isinasakdal sa mga nagsisipagsakdal, at siya'y magkaroon ng pagkakataong makagawa ng kaniyang pagsasanggalang tungkol sa sakdal laban sa kaniya. Nang sila nga'y mangagkatipon dito, ay hindi ako nagpaliban, kundi nang sumunod na araw ay lumuklok ako sa hukuman, at ipinaharap ko ang tao. Tungkol sa kaniya, nang magsitindig ang mga nagsisipagsakdal, ay walang anomang sakdal na masamang bagay na maiharap sila na gaya ng aking sinapantaha; Kundi may ilang mga suliranin laban sa kaniya tungkol sa kanilang sariling relihion, at sa isang Jesus, na namatay, na pinatutunayan ni Pablo na ito'y buhay.
Mga Gawa 25:13-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Makalipas ang ilang araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at si Bernice upang bumati kay Festo. Nang matagal-tagal na sila roon, isinalaysay ni Festo sa hari ang tungkol kay Pablo. Sinabi ni Festo kay Haring Agripa, “Si Felix ay may iniwan ditong isang bilanggo. Nang ako'y nasa Jerusalem, inireklamo ito sa akin ng mga punong pari at ng mga pinuno ng mga Judio at hininging parusahan siya. Sinagot ko silang hindi kaugaliang Romano ang magparusa sa sinumang inirereklamo hangga't hindi nito naipagtatanggol ang kanyang sarili laban sa mga nagsasakdal sa kanya. Kaya't nang dumating sila rito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon; kinabukasan din, ipinatawag ko siya sa hukuman. Nang tumayo ang mga nagsasakdal, hindi nila siya pinaratangan ng anumang mabigat na pagkakasala na inaakala kong ipaparatang nila. Ang tangi nilang pinagtatalunan ay tungkol sa kanilang relihiyon at sa isang tao na ang pangala'y Jesus. Patay na ang taong ito, ngunit ipinipilit naman ni Pablo na siya'y buháy.
Mga Gawa 25:13-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)