Mga Gawa 25:1-22
Mga Gawa 25:1-22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dumating si Festo sa lalawigang pangangasiwaan niya at pagkaraan ng tatlong araw, pumunta siya sa Jerusalem mula sa Cesarea. Lumapit sa kanya ang mga punong pari at ang mga pinuno ng mga Judio, at idinulog ang kanilang reklamo laban kay Pablo. Dahil may balak silang tambangan at patayin si Pablo, nagmakaawa sila sa gobernador na ipatawag siya sa Jerusalem. Sumagot si Festo, “Si Pablo'y nakabilanggo sa Cesarea at babalik ako roon sa madaling panahon. Pasamahin ninyo sa akin ang inyong mga pinuno, kung totoong may pagkakamali siya, saka ninyo siya isakdal.” Nagpalipas pa si Festo ng walo o sampung araw sa Jerusalem, saka bumalik sa Cesarea. Kinabukasan, umupo siya sa hukuman at nag-utos na iharap sa kanya si Pablo. Pagdating ni Pablo, pinaligiran siya ng mga Judiong galing sa Jerusalem. Nagharap sila ng maraming mabibigat na paratang laban sa kanya, ngunit hindi nila napatunayan ang mga iyon. Sinabi ni Pablo bilang pagtatanggol sa sarili, “Wala akong ginawang labag sa Kautusan ng mga Judio, ni laban sa Templo, o sa Emperador.” Nais ni Festo na pagbigyan ang mga Judio, kaya't tinanong niya si Pablo, “Nais mo bang pumunta sa Jerusalem upang doon kita litisin?” Sumagot si Pablo, “Naririto ako sa harap ng hukuman ng Emperador; dito ako dapat litisin. Wala akong nagawang pagkakasala sa mga Judio at iyan ay nalalaman ninyo. Kung ako ay lumabag sa batas o nakagawa ng anumang bagay na dapat parusahan ng kamatayan, wala akong tutol mamatay. Ngunit kung walang katotohanan ang mga paratang nila sa akin, hindi ako dapat ibigay sa kanila. Dudulog ako sa Emperador.” Sumangguni si Festo sa kanyang mga tagapayo, at pagkatapos ay sinabi, “Sapagkat gusto mong dumulog sa Emperador, sa Emperador ka pumunta.” Makalipas ang ilang araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at si Bernice upang bumati kay Festo. Nang matagal-tagal na sila roon, isinalaysay ni Festo sa hari ang tungkol kay Pablo. Sinabi ni Festo kay Haring Agripa, “Si Felix ay may iniwan ditong isang bilanggo. Nang ako'y nasa Jerusalem, inireklamo ito sa akin ng mga punong pari at ng mga pinuno ng mga Judio at hininging parusahan siya. Sinagot ko silang hindi kaugaliang Romano ang magparusa sa sinumang inirereklamo hangga't hindi nito naipagtatanggol ang kanyang sarili laban sa mga nagsasakdal sa kanya. Kaya't nang dumating sila rito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon; kinabukasan din, ipinatawag ko siya sa hukuman. Nang tumayo ang mga nagsasakdal, hindi nila siya pinaratangan ng anumang mabigat na pagkakasala na inaakala kong ipaparatang nila. Ang tangi nilang pinagtatalunan ay tungkol sa kanilang relihiyon at sa isang tao na ang pangala'y Jesus. Patay na ang taong ito, ngunit ipinipilit naman ni Pablo na siya'y buháy. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa bagay na ito, kaya't tinanong ko si Pablo kung nais niyang sa Jerusalem siya litisin. Ngunit tumutol siya at hiniling na ipaubaya sa Emperador ang pagpapasya sa kanyang kaso. Dahil dito, pinabantayan ko siya upang ipadala sa Emperador.” Sinabi ni Agripa kay Festo, “Gusto kong mapakinggan ang taong iyan.” “Mapapakinggan mo siya bukas,” tugon naman ni Festo.
Mga Gawa 25:1-22 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Tatlong araw matapos dumating si Festo sa Cesarea, pumunta siya sa Jerusalem. Lumapit sa kanya ang mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Hudyo para iharap ang kanilang paratang laban kay Pablo. At hiniling nila kay Festo bilang pabor, na ipadala niya si Pablo sa Jerusalem. Ngunit balak pala nilang tambangan si Pablo sa daan at patayin. Sumagot si Festo, “Nakabilanggo sa Cesarea si Pablo at babalik ako roon sa lalong madaling panahon. Kaya pasamahin ninyo sa akin ang ilan sa inyong mga pinuno at doon ninyo siya akusahan kung may nagawa siyang masama.” Mahigit isang linggong nanatili si Festo sa Jerusalem, at pagkatapos, bumalik siya sa Cesarea. Kinabukasan, umupo siya sa hukuman at iniutos na dalhin sa kanya si Pablo. Pagpasok ni Pablo, pinaligiran agad siya ng mga pinuno ng mga Hudyo na galing sa Jerusalem, at inakusahan siya ng mabibigat na kasalanan, ngunit hindi naman nila ito kayang patunayan. Ipinagtanggol ni Pablo ang kanyang sarili. Sinabi niya, “Wala akong nagawang kasalanan laban sa Kautusan ng mga Hudyo, sa Templo, o kayaʼy sa Emperador ng Roma.” Dahil nais ni Festo na magustuhan siya ng mga Hudyo, tinanong niya si Pablo, “Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem, para doon kita litisin tungkol sa mga paratang na ito?” Sumagot si Pablo, “Nandito na ako sa korte ng Emperador, kaya dito nʼyo ako dapat litisin. Wala akong nagawang kasalanan sa mga Hudyo at alam naman ninyo ʼyan. Kung totoong lumabag ako sa kautusan at dapat akong parusahan ng kamatayan, tatanggapin ko ang hatol sa akin. Ngunit kung walang katotohanan ang kanilang akusasyon sa akin, hindi ako dapat ipagkatiwala sa kanila. Aapela ako Emperador ng Roma!” Nakipag-usap agad si Festo sa mga miyembro ng kanyang korte, at pagkatapos ay sinabi niya kay Pablo, “Dahil gusto mong umapela sa Emperador, ipapadala kita sa kanya.” Pagkalipas ng ilang araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at ang kanyang kapatid na si Bernice dahil gusto nilang magbigay-galang kay Festo. Sa kanilang pananatili doon ng ilang araw, isinalaysay ni Festo sa hari ang kaso ni Pablo. Sinabi niya, “May bilanggong iniwan dito si Felix. Noong pumunta ako sa Jerusalem, inakusahan ang taong ito ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo. Hiniling nila sa akin na hatulan ko siya.” “Sinabi ko sa kanila na hindi kaugaliang Romano na parusahan ang kahit sino na hindi humaharap sa mga nag-aakusa sa kanya, at hindi pa nabibigyan ng pagkakataon na masagot ang mga akusasyon laban sa kanya. Kaya nang sumáma sila sa akin pabalik dito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kinabukasan din ay umupo ako sa hukuman at iniutos kong dalhin sa akin ang taong ito. Ngunit ang mga paratang sa kanya ay hindi naman talaga mabibigat gaya ng inaasahan ko. Sa halip, ang mga bagay na pinagtatalunan nila ay tungkol lang sa relihiyon nila at sa isang taong ang pangalan ay Hesus. Patay na ang taong ito, ngunit iginiit ni Pablo na buháy siya. Hindi ko alam kung anoʼng gagawin sa kasong ito, kaya tinanong ko si Pablo kung gusto niyang pumunta sa Jerusalem para doon mismo litisin ang kaso. Ngunit sinabi ni Pablo na lalapit na lang siya sa Emperador upang siya na mismo ang magpasya. Kaya nag-utos ako na bantayan siya hanggang maipadala ko siya sa Emperador.” Sinabi ni Agripa kay Festo, “Gusto kong mapakinggan ang taong ito.” “Sige, bukas mapapakinggan mo siya,” sagot ni Festo.
Mga Gawa 25:1-22 Ang Biblia (TLAB)
Nang makapasok na nga si Festo sa lalawigan, pagkaraan ng tatlong araw ay umahon sa Jerusalem mula sa Cesarea. At ang mga pangulong saserdote at ang mga maginoo sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa kaniya laban kay Pablo; at siya'y kanilang pinamanhikan, Na humihingi ng lingap laban sa kaniya, na siya'y ipahatid sa Jerusalem; na binabakayan upang siya'y mapatay sa daan. Gayon ma'y sumagot si Festo, na si Pablo ay tinatanuran sa Cesarea, at siya'y paroroon sa lalong madaling panahon. Kaya nga, sinabi niya, ang mga may kapangyarihan sa inyo ay magsisamang lumusong sa akin, at kung may anomang pagkakasala ang taong ito, ay isakdal siya nila. At nang siya'y makatira na sa kanila na hihigit sa walo o sangpung araw, ay lumusong siya sa Cesarea: at nang kinabukasa'y lumuklok siya sa hukuman, at ipinaharap sa kaniya si Pablo. At nang siya'y dumating, ay niligid siya ng mga Judio na nagsilusong na galing sa Jerusalem, na may dalang marami at mabibigat na sakdal laban sa kaniya, na pawang hindi nila mapatunayan; Samantalang sinasabi ni Pablo sa kaniyang pagsasanggalang, Laban man sa kautusan ng mga Judio, ni laban sa templo, ni laban kay Cesar, ay hindi ako nagkakasala ng anoman. Datapuwa't si Festo, sa pagkaibig na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay sumagot kay Pablo, at nagsabi, Ibig mo bagang umahon sa Jerusalem, at doon ka hatulan sa mga bagay na ito sa harapan ko? Datapuwa't sinabi ni Pablo, Nakatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar, na doon ako dapat hatulan: wala akong ginawang anomang kasamaan sa mga Judio, gaya rin naman ng pagkatalastas mong mabuti. Kung ako nga'y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa't kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako kay Cesar. Nang magkagayon si Festo, nang makapagpanayam na sa Sanedrin, ay sumagot, Naghabol ka kay Cesar; kay Cesar ka paparoon. Nang makaraan nga ang ilang mga araw, si Agripa na hari at si Bernice ay nangagsidating sa Cesarea, at nagsibati kay Festo. At nang sila'y magsitira roong maraming araw, ay isinaysay ni Festo sa hari ang usapin ni Pablo, na sinasabi, May isang taong bilanggo na iniwan ni Felix: Tungkol sa kaniya nang ako'y nasa Jerusalem, ang mga pangulong saserdote at ang mga matanda sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa akin, na hinihinging ako'y humatol laban sa kaniya. Sa kanila'y aking isinagot, na hindi kaugalian ng mga taga Roma na ibigay ang sinomang tao, hanggang hindi nahaharap ang isinasakdal sa mga nagsisipagsakdal, at siya'y magkaroon ng pagkakataong makagawa ng kaniyang pagsasanggalang tungkol sa sakdal laban sa kaniya. Nang sila nga'y mangagkatipon dito, ay hindi ako nagpaliban, kundi nang sumunod na araw ay lumuklok ako sa hukuman, at ipinaharap ko ang tao. Tungkol sa kaniya, nang magsitindig ang mga nagsisipagsakdal, ay walang anomang sakdal na masamang bagay na maiharap sila na gaya ng aking sinapantaha; Kundi may ilang mga suliranin laban sa kaniya tungkol sa kanilang sariling relihion, at sa isang Jesus, na namatay, na pinatutunayan ni Pablo na ito'y buhay. At ako, palibhasa'y naguguluhan tungkol sa kung paano kayang mapagsisiyasat ang mga bagay na ito, ay itinanong ko kung ibig niyang pumaroon sa Jerusalem at doon siya hatulan tungkol sa mga bagay na ito. Datapuwa't nang makapaghabol na si Pablo na siya'y ingatan upang hatulan ng emperador, ay ipinagutos kong ingatan siya hanggang sa siya'y maipadala ko kay Cesar. At sinabi ni Agripa kay Festo, Ibig ko rin sanang mapakinggan ang tao. Bukas, sinasabi niya, siya'y mapapakinggan mo.
Mga Gawa 25:1-22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dumating si Festo sa lalawigang pangangasiwaan niya at pagkaraan ng tatlong araw, pumunta siya sa Jerusalem mula sa Cesarea. Lumapit sa kanya ang mga punong pari at ang mga pinuno ng mga Judio, at idinulog ang kanilang reklamo laban kay Pablo. Dahil may balak silang tambangan at patayin si Pablo, nagmakaawa sila sa gobernador na ipatawag siya sa Jerusalem. Sumagot si Festo, “Si Pablo'y nakabilanggo sa Cesarea at babalik ako roon sa madaling panahon. Pasamahin ninyo sa akin ang inyong mga pinuno, kung totoong may pagkakamali siya, saka ninyo siya isakdal.” Nagpalipas pa si Festo ng walo o sampung araw sa Jerusalem, saka bumalik sa Cesarea. Kinabukasan, umupo siya sa hukuman at nag-utos na iharap sa kanya si Pablo. Pagdating ni Pablo, pinaligiran siya ng mga Judiong galing sa Jerusalem. Nagharap sila ng maraming mabibigat na paratang laban sa kanya, ngunit hindi nila napatunayan ang mga iyon. Sinabi ni Pablo bilang pagtatanggol sa sarili, “Wala akong ginawang labag sa Kautusan ng mga Judio, ni laban sa Templo, o sa Emperador.” Nais ni Festo na pagbigyan ang mga Judio, kaya't tinanong niya si Pablo, “Nais mo bang pumunta sa Jerusalem upang doon kita litisin?” Sumagot si Pablo, “Naririto ako sa harap ng hukuman ng Emperador; dito ako dapat litisin. Wala akong nagawang pagkakasala sa mga Judio at iyan ay nalalaman ninyo. Kung ako ay lumabag sa batas o nakagawa ng anumang bagay na dapat parusahan ng kamatayan, wala akong tutol mamatay. Ngunit kung walang katotohanan ang mga paratang nila sa akin, hindi ako dapat ibigay sa kanila. Dudulog ako sa Emperador.” Sumangguni si Festo sa kanyang mga tagapayo, at pagkatapos ay sinabi, “Sapagkat gusto mong dumulog sa Emperador, sa Emperador ka pumunta.” Makalipas ang ilang araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at si Bernice upang bumati kay Festo. Nang matagal-tagal na sila roon, isinalaysay ni Festo sa hari ang tungkol kay Pablo. Sinabi ni Festo kay Haring Agripa, “Si Felix ay may iniwan ditong isang bilanggo. Nang ako'y nasa Jerusalem, inireklamo ito sa akin ng mga punong pari at ng mga pinuno ng mga Judio at hininging parusahan siya. Sinagot ko silang hindi kaugaliang Romano ang magparusa sa sinumang inirereklamo hangga't hindi nito naipagtatanggol ang kanyang sarili laban sa mga nagsasakdal sa kanya. Kaya't nang dumating sila rito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon; kinabukasan din, ipinatawag ko siya sa hukuman. Nang tumayo ang mga nagsasakdal, hindi nila siya pinaratangan ng anumang mabigat na pagkakasala na inaakala kong ipaparatang nila. Ang tangi nilang pinagtatalunan ay tungkol sa kanilang relihiyon at sa isang tao na ang pangala'y Jesus. Patay na ang taong ito, ngunit ipinipilit naman ni Pablo na siya'y buháy. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin sa bagay na ito, kaya't tinanong ko si Pablo kung nais niyang sa Jerusalem siya litisin. Ngunit tumutol siya at hiniling na ipaubaya sa Emperador ang pagpapasya sa kanyang kaso. Dahil dito, pinabantayan ko siya upang ipadala sa Emperador.” Sinabi ni Agripa kay Festo, “Gusto kong mapakinggan ang taong iyan.” “Mapapakinggan mo siya bukas,” tugon naman ni Festo.
Mga Gawa 25:1-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)