Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Gawa 22:1-21

Mga Gawa 22:1-21 Ang Salita ng Diyos (ASD)

“Mga kapatid at mga magulang, pakinggan muna ninyo ang sasabihin ko bilang pagtatanggol sa aking sarili!” Nang marinig ng mga tao na nagsalita siya sa wikang Arameo, lalo silang tumahimik. At nagpatuloy si Pablo sa pagsasalita: “Akoʼy isang Hudyong ipinanganak sa Tarso na sakop ng Cilicia, pero lumaki ako rito sa Jerusalem. Dito ako nag-aral at naging guro ko si Gamaliel. Sinanay akong mabuti sa Kautusan na sinunod din ng ating mga ninuno. Gaya ninyo ngayon, masigasig din akong naglilingkod sa ating Diyos. Inusig ko at sinikap na patayin ang mga sumusunod sa Daan. Hinuli ko sila at ikinulong, lalaki man o babae. Ang punong pari at ang lahat ng miyembro ng Sanhedrin ay makapagpapatunay sa lahat ng sinasabi ko. Sila mismo ang nagbigay sa akin ng sulat para sa mga kapatid nating Hudyo doon sa Damasco. At pumunta ako doon para hulihin ang mga sumasampalataya kay Hesus at dalhin pabalik dito sa Jerusalem upang parusahan. “Tanghaling-tapat na noon at malapit na kami sa Damasco. Biglang kumislap sa aming paligid ang isang nakakasilaw na liwanag mula sa langit. Natumba ako at may narinig akong tinig na nagsasabi sa akin, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?’ “Nagtanong ako, ‘Sino po kayo, Panginoon?’ “Sumagot ang tinig, ‘Akoʼy si Hesus na taga-Nazaret, na iyong inuusig.’ Nakita ng mga kasama ko ang liwanag ngunit hindi nila narinig ang boses na nagsasalita sa akin. “At nagtanong pa ako, ‘Ano ang gagawin ko, Panginoon?’ “At sinabi niya sa akin, ‘Tumayo ka at pumunta sa Damasco, at doon, sasabihin sa iyo ang lahat ng gagawin mo.’ Nabulag ako sa tindi ng liwanag. Kaya inakay ako ng aking mga kasama papuntang Damasco. “Doon sa Damasco, may isang tao na ang pangalan ay Ananias. May takot siya sa Diyos at sumusunod sa Kautusan. Iginagalang siya ng mga Hudyong naninirahan doon. Pumunta siya sa akin at sinabi, ‘Kapatid na Saulo, makakakita ka na.’ Noon din ay gumaling ako at nakita ko si Ananias. “Sinabi niya sa akin, ‘Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno para malaman mo ang kalooban niya at upang makita mo at marinig ang boses ng Matuwid na si Hesus. Sapagkat ipapahayag mo sa lahat ng tao ang iyong nakita at narinig. Ngayon, ano pa ang hinihintay mo? Tumayo ka na at magpabautismo, at tumawag sa Panginoon upang maging malinis ka sa iyong mga kasalanan.’ ” “Pagkatapos, bumalik ako sa Jerusalem. At habang nananalangin ako sa Templo, nagkaroon ako ng pangitain. Nakita ko si Hesus na nagsasabi sa akin, ‘Bilisan mo! Umalis ka agad sa Jerusalem, dahil hindi tatanggapin ng mga taga-rito ang patotoo mo tungkol sa akin.’ “Sinabi ko sa kanya, ‘Ngunit bakit hindi sila maniniwala, Panginoon, samantalang alam nila na inikot ko noon ang mga sinagoga para hulihin at gulpihin ang mga taong sumasampalataya sa iyo? At nang dumanak ang dugo ng martir na si Esteban, naroon ako at sumang-ayon sa pagpatay sa kanya, at ako pa nga ang nagbantay ng mga balabal ng mga pumatay sa kanya.’ “Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Umalis ka sa Jerusalem, dahil ipapadala kita sa malayong lugar upang ipangaral mo ang Magandang Balita sa mga Hentil!’ ”

Mga Gawa 22:1-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

“Mga magulang at mga kapatid, pakinggan ninyo ang sasabihin ko ngayon bilang pagtatanggol sa aking sarili.” Nang siya'y marinig nilang nagsasalita sa wikang Hebreo, lalo silang tumahimik. Kaya't nagpatuloy si Pablo, “Ako'y isang Judiong ipinanganak sa Tarso, sa lalawigan ng Cilicia, ngunit lumaki rito sa Jerusalem. Ang aking guro ay si Gamaliel at buong higpit niya akong tinuruan sa Kautusan ng ating mga ninuno. Ako'y masugid na naglilingkod sa Diyos tulad ninyong lahat na naririto ngayon. Inusig ko at ipinapatay ang mga sumusunod sa Daang ito. Ipinagapos ko sila't ipinabilanggo, maging lalaki o maging babae. Makakapagpatotoo tungkol dito ang pinakapunong pari at ang buong kapulungan ng mga pinuno ng bayan. Binigyan pa nga nila ako ng mga sulat para sa mga Judio sa Damasco, kaya't pumunta ako roon upang dakpin ang mga kaanib ng Daang ito at dalhin sila dito sa Jerusalem upang parusahan.” “Magtatanghaling-tapat noon, at malapit na ako sa Damasco nang may biglang kumislap sa aking paligid na isang matinding liwanag mula sa langit. Napasubasob ako sa lupa at narinig ko ang isang tinig na nagsalita sa akin, ‘Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig?’ Ako'y sumagot, ‘Sino po kayo, Panginoon?’ ‘Ako ang iyong pinag-uusig na si Jesus na taga-Nazaret,’ tugon ng tinig. Nakita ng mga kasama ko ang liwanag, ngunit hindi nila narinig ang tinig na nagsasalita sa akin. ‘Ano po ang gagawin ko, Panginoon?’ tanong ko. At tumugon siyang muli, ‘Tumayo ka at pumunta sa Damasco. Sasabihin sa iyo roon ang lahat ng itinakda na dapat mong gawin.’ Nabulag ako dahil sa matinding liwanag na iyon, kaya't ako'y inakay na lamang ng mga kasama ko papunta sa Damasco. “Doon ay nakatira si Ananias. Siya ay tapat na sumusunod sa Kautusan at iginagalang ng mga Judiong naninirahan doon. Pinuntahan niya ako, tumayo sa tabi ko at sinabi sa akin, ‘Kapatid na Saulo, makakakita ka nang muli.’ Noon di'y nakakita akong muli at tumingin ako sa kanya, at sinabi niya sa akin, ‘Pinili ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang malaman mo ang kanyang kalooban, makita ang kanyang Banal na Lingkod at marinig ang kanyang tinig. Sapagkat ikaw ay magiging saksi niya upang patotohanan sa lahat ng tao ang iyong nakita at narinig. At ngayon, ano pang hinihintay mo? Tumayo ka na, magpabautismo at manalangin ka sa kanyang pangalan upang mapatawad ka sa iyong mga kasalanan.’” “Nagbalik ako rito sa Jerusalem, at habang ako'y nananalangin sa Templo, nagkaroon ako ng isang pangitain. Nakita ko ang Panginoon na nagsasalita sa akin, ‘Madali ka! Lisanin mo agad ang Jerusalem sapagkat hindi tatanggapin ng mga tao rito ang iyong patotoo tungkol sa akin.’ Sabi ko naman, ‘Panginoon, alam na alam nilang isa-isa kong pinuntahan ang mga sinagoga upang ipabilanggo at ipahagupit ang mga nananalig sa iyo. At nang patayin si Esteban na iyong saksi, ako ay naroon at sumang-ayon pa sa ginawa nila, ako pa nga ang nagbantay sa mga damit ng mga pumatay sa kanya.’ Ngunit sinabi sa akin ng Panginoon, ‘Humayo ka, sapagkat isusugo kita sa malayo, sa mga Hentil.’”

Mga Gawa 22:1-21 Ang Biblia (TLAB)

Mga kapatid na lalake at mga magulang, pakinggan ninyo ang pagsasanggalang na gagawin ko ngayon sa harapan ninyo. At nang marinig nilang sila'y kinakausap niya sa wikang Hebreo, ay lalo pang tumahimik sila: at sinabi niya, Ako'y Judio, na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, datapuwa't pinapagaral sa bayang ito, sa paanan ni Gamaliel, na tinuruan alinsunod sa mahigpit na kaparaanan ng kautusan ng ating mga magulang, palibhasa'y masikap tungkol sa Dios, na gaya ninyong lahat ngayon: At aking pinagusig ang Daang ito hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae. Gaya rin naman ng pangulong saserdote na nagpapatotoo sa akin, at ang buong kapulungan ng matatanda: na sa kanila nama'y tumanggap ako ng mga sulat sa mga kapatid, at naglakbay ako sa Damasco upang dalhin ko namang mga gapos sa Jerusalem ang nangaroroon upang parusahan. At nangyari, na, samantalang ako'y naglalakbay, at nalalapit na sa Damasco, nang magtatanghaling tapat, biglang nagliwanag mula sa langit ang isang malaking ilaw sa palibot ko. At ako'y nasubasob sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? At ako'y sumagot, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya sa akin, Ako'y si Jesus na taga Nazaret, na iyong pinaguusig. At sa katotohana'y nakita ng mga kasamahan ko ang ilaw, datapuwa't hindi nila narinig ang tinig na nagsalita sa akin. At sinabi ko, Ano ang gagawin ko, Panginoon? At sinabi sa akin ng Panginoon, Magtindig ka, at pumaroon ka sa Damasco; at doo'y sasabihin sa iyo ang lahat ng mga bagay na itinalagang gagawin mo. At nang hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng ilaw na yaon, palibhasa'y inakay ako sa kamay ng mga kasamahan ko, ay pumasok ako sa Damasco. At isang Ananias, lalaking masipag sa kabanalan ayon sa kautusan, na may mabuting katunayan ng lahat ng mga Judiong nagsisitahan doon, Ay lumapit sa akin, at natatayo sa tabi ko ay nagsabi sa akin, Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin. At nang oras ding yao'y tumingin ako sa kaniya. At sinabi niya, Ang Dios ng ating mga magulang ay itinalaga ka upang mapagkilala mo ang kaniyang kalooban, at makita mo ang Banal, at marinig mo ang isang tinig mula sa kaniyang bibig. Sapagka't magiging saksi ka niya sa lahat ng mga tao tungkol sa mga bagay na iyong nakita at narinig. At ngayon bakit ka tumitigil? magtindig ka, at ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang pangalan. At nangyari, na, nang ako'y makabalik na sa Jerusalem, at nang ako'y nananalangin sa templo ay nawalan ako ng diwa, At siya'y nakita ko na nagsasabi sa akin, Magmadali ka, at umalis ka agad sa Jerusalem; sapagka't hindi nila tatanggapin sa iyo ang patotoo tungkol sa akin. At aking sinabi, Panginoon, napagtatalastas nila na ako ang nagbilanggo at humampas sa bawa't sinagoga sa mga nagsisisampalataya sa iyo: At nang ibubo ang dugo ni Estebang iyong saksi, ay ako nama'y nakatayo sa malapit, at sinasangayunan ko, at iningatan ko ang mga damit ng sa kaniya'y nagsipatay. At sinabi niya sa akin, Yumaon ka: sapagka't susuguin kita sa malayo sa mga Gentil.

Mga Gawa 22:1-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Mga Gawa 22:1-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)