Mga Gawa 21:25 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Gawa 21:25 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Tungkol naman sa mga mananampalatayang Hentil, isinulat na namin sa kanila ang aming pasya. Huwag silang kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag kakain ng dugo at ng hayop na binigti, at huwag makikiapid.”
Mga Gawa 21:25 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Tungkol naman sa mga Hentil na sumasampalataya kay Hesus, nakapagpadala na kami ng sulat sa kanila tungkol sa aming napagkasunduan na hindi sila kakain ng mga pagkain na inihandog sa mga diyos-diyosan, o dugo, o karne ng hayop na binigti. At iwasan nila ang seksuwal na imoralidad.”
Mga Gawa 21:25 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Tungkol naman sa mga mananampalatayang Hentil, isinulat na namin sa kanila ang aming pasya. Huwag silang kakain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag kakain ng dugo at ng hayop na binigti, at huwag makikiapid.”
Mga Gawa 21:25 TLAB (Ang Biblia)
Nguni't tungkol sa mga Gentil na nagsisisampalataya, ay sinulatan namin, na pinagpayuhang sila'y magsiilag sa mga inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa binigti, at sa pakikiapid.
Mga Gawa 21:25 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Nguni't tungkol sa mga Gentil na nagsisisampalataya, ay sinulatan namin, na pinagpayuhang sila'y magsiilag sa mga inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa binigti, at sa pakikiapid.