Mga Gawa 16:1
Mga Gawa 16:1 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nagpunta rin si Pablo sa Derbe at sa Listra. Naroroon si Timoteo na isang alagad. Ang kanyang ina ay isang mananampalatayang Judio at ang kanyang ama nama'y isang Griego.
Mga Gawa 16:1 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nagpatuloy sina Pablo sa paglalakbay sa Derbe at Lystra. May tagasunod ni Jesus doon sa Lystra na ang pangalan ay Timoteo. Ang kanyang ina ay Judio at mananampalataya rin, pero ang kanyang ama ay Griego.
Mga Gawa 16:1 Ang Biblia (TLAB)
At siya'y naparoon din naman sa Derbe at sa Listra: at narito, naroon ang isang alagad, na nagngangalang Timoteo, na anak ng isang Judiang sumasampalataya; datapuwa't Griego ang kaniyang ama.