Mga Gawa 13:26-52
Mga Gawa 13:26-52 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Mga kapatid kong mula sa lahi ni Abraham, at mga taong may takot sa Diyos, tayo ang pinadalhan ng balitang ito tungkol sa kaligtasan. Hindi nakilala ng mga taga-Jerusalem at ng kanilang mga pinuno na si Jesus ang Tagapagligtas. Hindi rin nila naunawaan ang mga pahayag ng mga propeta, na binabasa nila tuwing Araw ng Pamamahinga. Ngunit sila na rin ang nagsakatuparan ng pahayag na iyon nang si Jesus ay hatulan nila ng kamatayan. Kahit na wala silang sapat na dahilan upang siya'y ipapatay, hiniling pa rin nila kay Pilato na siya'y hatulan ng kamatayan. At nang matupad na nila ang lahat ng nasusulat tungkol sa kanya, siya ay ibinabâ nila sa krus at inilibing. “Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos, at sa loob ng maraming araw, siya ay nagpakita sa mga sumama sa kanya sa Jerusalem mula sa Galilea. Ngayon, sila ang mga saksi niya sa mga Israelita. Ngayon ay dala namin sa inyo ang Magandang Balita, na ang pangako ng Diyos sa ating mga ninuno ay tinupad na sa atin na kanilang mga anak, nang muli niyang buhayin si Jesus. Ito ang nakasulat sa ikalawang Awit, ‘Ikaw ang aking Anak, mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.’ Tungkol naman sa kanyang muling pagkabuhay at di pagkabulok ng kanyang katawan ay sinabi ng Diyos, ‘Ipagkakaloob ko sa inyo ang mga banal at maaasahang pagpapala gaya ng ipinangako ko kay David.’ At sinabi rin niya sa iba pang bahagi, ‘Hindi mo hahayaang dumanas ng pagkabulok ang iyong Banal.’ “Nang maisagawa na ni David ang kalooban ng Diyos, siya'y namatay at inilibing sa piling ng kanyang mga ninuno, at siya'y dumanas ng pagkabulok. Subalit si Jesus ay muling binuhay ng Diyos at hindi dumanas ng pagkabulok. Dapat ninyong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinangaral sa inyo ang kapatawaran ng kasalanan. At ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay pinapatawad na sa lahat ng pagkakasalang hindi naipatawad sa inyo sa pamamagitan ng pagtupad ng Kautusan ni Moises. Kaya't mag-ingat kayo upang hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta, ‘Tingnan ninyo, kayong mga nangungutya sa Diyos! Manggigilalas kayo at mapapahamak! Sapagkat isasagawa ko sa inyong kapanahunan ang isang bagay na hindi ninyo paniniwalaan, kahit na may magpaliwanag pa nito sa inyo!’” Nang sina Pablo at Bernabe ay palabas na sa sinagoga, inanyayahan sila ng mga tao na magsalita muli tungkol sa mga bagay na ito sa susunod na Araw ng Pamamahinga. Pagkatapos ng pulong, sumunod kina Pablo at Bernabe ang maraming Judio at mga debotong Hentil na nahikayat mula sa relihiyong Judaismo. Nagsalita sa kanila ang mga apostol at pinangaralan silang magpatuloy sa pamumuhay nang nararapat ayon sa kagandahang-loob ng Diyos. Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng tao sa lunsod ay nagkatipon upang makinig sa salita ng Panginoon. Inggit na inggit naman ang mga Judio nang makita nila ang napakaraming tao, kaya't nilait nila at sinalungat si Pablo. Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, “Sa inyo muna sana dapat ipahayag ang salita ng Diyos. Ngunit dahil itinatakwil ninyo ito, hinahatulan ninyo ang inyong sarili na kayo'y hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, kaya't sa mga Hentil na kami mangangaral. Ganito ang iniutos sa amin ng Panginoon, ‘Inilagay kitang liwanag sa mga Hentil upang maipangaral mo ang kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.’” Nang marinig ng mga Hentil ang mga salitang iyon, sila'y nagalak at nagpuri sa Panginoon dahil sa salita niya, at sumampalataya ang lahat ng hinirang para sa buhay na walang hanggan. Kaya't lumaganap sa buong lupain ang salita ng Panginoon. Ngunit sinulsulan ng mga Judio ang mga pinuno ng lunsod at ang mga debotong babae at kilala sa lipunan; ipinausig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lupaing iyon. Kaya't ipinagpag ng dalawa ang alikabok sa kanilang mga paa bilang saksi laban sa mga tagaroon, at sila'y nagpunta sa Iconio. Ang mga alagad naman sa Antioquia ay napuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.
Mga Gawa 13:26-52 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Mga kapatid na mula sa lahi ni Abraham at mga Hentil na sumasamba rin sa Diyos, sa atin ibinigay ng Diyos ang Magandang Balita tungkol sa kaligtasan. Ngunit ang mga Hudyong nakatira sa Jerusalem at ang kanilang mga pinuno ay hindi kumilala kay Hesus bilang Tagapagligtas. Hindi rin nila nauunawaan ang sinasabi ng mga propeta na binabasa nila tuwing Araw ng Pamamahinga. Ngunit sila na rin ang tumupad sa mga ipinahayag ng mga propeta nang hatulan nila si Hesus ng kamatayan. Kahit wala silang nakitang katibayang magiging dahilan upang parusahan si Hesus ng kamatayan, hiniling pa rin nila kay Pilato na ipapatay siya. Nang magawa na nila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan patungkol sa kanya, kinuha nila siya sa krus at inihimlay sa libingan. Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos. At sa loob ng maraming araw, nagpakita siya sa mga taong sumáma sa kanya nang umalis siya sa Galilea papuntang Jerusalem. Ang mga taong iyon ang siya ring nangangaral ngayon sa mga Israelita tungkol kay Hesus.” “At narito kami ngayon upang ipahayag sa inyo ang Magandang Balita na ipinangako ng Diyos sa ating mga ninuno, na tinupad niya ngayon sa atin nang muli niyang buhayin si Hesus. Ito ang nasusulat sa ikalawang Salmo: ‘Ikaw ang aking anak, at ngayon ako na ang iyong Ama.’ ” “Muli siyang binuhay ng Diyos upang hindi na mabulok ang kanyang katawan. Ayon sa sinabi ng Diyos, ‘Ibibigay ko saʼyo ang mga banal at tiyak na pagpapalang ipinangako kay David.’ ” At sinabi rin ito sa isa pang Salmo: “ ‘Hindi ka papayag na mabulok ang katawan ng iyong banal na lingkod.’ ” “Nang matapos ni David ang ipinapagawa sa kanya ng Diyos na maglingkod sa kanyang henerasyon, namatay siya at inilibing sa tabi ng kanyang mga ninuno, at ang kanyang katawan ay nabulok. Ngunit si Hesus na muling binuhay ng Diyos ay hindi nabulok.” “Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa pamamagitan ni Hesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na patatawarin tayo ng Diyos sa ating mga kasalanan. Ang sinumang sumasampalataya kay Hesus ay itinuturing ng Diyos na matuwid. Hindi ito magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ni Moises. Kaya mag-ingat kayo upang hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta: ‘Kayong mga nangungutya, masindak kayo at mamatay, sapagkat may gagawin ako sa inyong kapanahunan, na hindi ninyo paniniwalaan kahit may magsabi pa sa inyo.’ ” Nang palabas na sina Pablo at Bernabe sa sinagoga, inimbitahan sila ng mga tao na muling magsalita tungkol sa mga bagay na ito sa susunod na Araw ng Pamamahinga. Pagkatapos ng pagtitipon, maraming Hudyo at mga taong lumipat sa relihiyon ng mga Hudyo ang sumunod kina Pablo at Bernabe. Pinangaralan sila nina Pablo at Bernabe at pinayuhan na ipagpatuloy ang kanilang pagtitiwala sa biyaya ng Diyos. Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng naninirahan sa Antioquia ay nagtipon sa sinagoga upang makinig sa salita ng Panginoon. Nang makita ng mga pinuno ng mga Hudyo na maraming tao ang dumalo, nainggit sila. Sinalungat nila si Pablo at nilait. Ngunit buong tapang silang sinagot nina Pablo at Bernabe, “Dapat sanaʼy sa inyo muna namin ipapangaral ang salita ng Diyos. Subalit dahil tinanggihan ninyo ito, kayo rin ang humatol sa sarili ninyo na hindi kayo karapat-dapat sa buhay na walang hanggan. Kaya mula ngayon, sa mga Hentil na kami mangangaral ng Magandang Balita. Sapagkat ito ang utos ng Panginoon sa amin: ‘Ginawa kitang ilaw sa mga Hentil, upang dalhin mo ang kaligtasan sa kasuluk-sulukang bahagi ng daigdig.’” Nang marinig ito ng mga Hentil, nagalak sila at pinarangalan ang salita ng Panginoon; at ang lahat ng itinalaga para sa buhay na walang hanggan ay sumampalataya. Kaya kumalat ang salita ng Panginoon sa lugar na iyon. Ngunit sinulsulan ng mga pinuno ng mga Hudyo ang mga namumuno sa lungsod, pati na rin ang mga relihiyoso at mga kilalang babae, na kalabanin sina Pablo. Kaya inusig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lugar na iyon. Ipinagpag nina Pablo at Bernabe ang alikabok sa kanilang mga paa bilang babala laban sa kanila at saka pumunta sa Iconio. Ang mga alagad sa Antioquia ay napuspos ng galak at ng Banal na Espiritu.
Mga Gawa 13:26-52 Ang Biblia (TLAB)
Mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham, at ang mga sa inyo'y nangatatakot sa Dios, sa atin ipinadadala ang salita ng kaligtasang ito. Sapagka't silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila, dahil sa hindi nila pagkakilala sa kaniya, ni sa mga tinig ng mga propeta na sa tuwing sabbath ay binabasa, ay kanilang tinupad ang hatol sa kaniya. At bagaman hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay, gayon ma'y kanilang hiningi kay Pilato na siya'y patayin. At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya, ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy, at inilagay siya sa isang libingan. Datapuwa't siya'y binuhay na maguli ng Dios sa mga patay: At siya'y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem, na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan. At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng pangakong ipinangako sa mga magulang, Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita. At tungkol sa muling binuhay niya, upang ngayon at kailan ma'y huwag nang magbalik sa kabulukan, ay nagsalita siya ng ganito, Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David. Sapagka't sinabi rin naman niya sa ibang awit, Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan. Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan. Datapuwa't yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan. Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na sa pamamagitan ng taong ito'y ibinabalita sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan: At sa pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises. Magsipagingat nga kayo, na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta: Tingnan ninyo, mga mapagwalang-halaga, at mangapagilalas kayo, at kayo'y mangaparam: Sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan, Isang gawang sa anomang paraa'y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman. At pagalis nila, ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod. Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga, marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe; na, sa pagsasalita sa kanila, ay sila'y hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios. At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios. Datapuwa't nang makita ng mga Judio ang mga karamihan, ay nangapuno ng kapanaghilian, at tinutulan ang mga bagay na sinalita ni Pablo, at nagsipamusong. At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil. Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan. At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain. Datapuwa't inudyukan ng mga Judio ang mga babaing masisipag sa kabanalan na may mga kalagayang mahal, at ang mga mahal na tao sa bayan, at nangagbangon ng paguusig laban kay Pablo at kay Bernabe, at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga hangganan. Datapuwa't ipinagpag nila ang alabok ng kanilang mga paa laban sa kanila, at nagsiparoon sa Iconio. At ang mga alagad ay nangapuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.
Mga Gawa 13:26-52 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Mga kapatid kong mula sa lahi ni Abraham, at mga taong may takot sa Diyos, tayo ang pinadalhan ng balitang ito tungkol sa kaligtasan. Hindi nakilala ng mga taga-Jerusalem at ng kanilang mga pinuno na si Jesus ang Tagapagligtas. Hindi rin nila naunawaan ang mga pahayag ng mga propeta, na binabasa nila tuwing Araw ng Pamamahinga. Ngunit sila na rin ang nagsakatuparan ng pahayag na iyon nang si Jesus ay hatulan nila ng kamatayan. Kahit na wala silang sapat na dahilan upang siya'y ipapatay, hiniling pa rin nila kay Pilato na siya'y hatulan ng kamatayan. At nang matupad na nila ang lahat ng nasusulat tungkol sa kanya, siya ay ibinabâ nila sa krus at inilibing. “Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos, at sa loob ng maraming araw, siya ay nagpakita sa mga sumama sa kanya sa Jerusalem mula sa Galilea. Ngayon, sila ang mga saksi niya sa mga Israelita. Ngayon ay dala namin sa inyo ang Magandang Balita, na ang pangako ng Diyos sa ating mga ninuno ay tinupad na sa atin na kanilang mga anak, nang muli niyang buhayin si Jesus. Ito ang nakasulat sa ikalawang Awit, ‘Ikaw ang aking Anak, mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.’ Tungkol naman sa kanyang muling pagkabuhay at di pagkabulok ng kanyang katawan ay sinabi ng Diyos, ‘Ipagkakaloob ko sa inyo ang mga banal at maaasahang pagpapala gaya ng ipinangako ko kay David.’ At sinabi rin niya sa iba pang bahagi, ‘Hindi mo hahayaang dumanas ng pagkabulok ang iyong Banal.’ “Nang maisagawa na ni David ang kalooban ng Diyos, siya'y namatay at inilibing sa piling ng kanyang mga ninuno, at siya'y dumanas ng pagkabulok. Subalit si Jesus ay muling binuhay ng Diyos at hindi dumanas ng pagkabulok. Dapat ninyong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinangaral sa inyo ang kapatawaran ng kasalanan. At ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay pinapatawad na sa lahat ng pagkakasalang hindi naipatawad sa inyo sa pamamagitan ng pagtupad ng Kautusan ni Moises. Kaya't mag-ingat kayo upang hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta, ‘Tingnan ninyo, kayong mga nangungutya sa Diyos! Manggigilalas kayo at mapapahamak! Sapagkat isasagawa ko sa inyong kapanahunan ang isang bagay na hindi ninyo paniniwalaan, kahit na may magpaliwanag pa nito sa inyo!’” Nang sina Pablo at Bernabe ay palabas na sa sinagoga, inanyayahan sila ng mga tao na magsalita muli tungkol sa mga bagay na ito sa susunod na Araw ng Pamamahinga. Pagkatapos ng pulong, sumunod kina Pablo at Bernabe ang maraming Judio at mga debotong Hentil na nahikayat mula sa relihiyong Judaismo. Nagsalita sa kanila ang mga apostol at pinangaralan silang magpatuloy sa pamumuhay nang nararapat ayon sa kagandahang-loob ng Diyos. Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng tao sa lunsod ay nagkatipon upang makinig sa salita ng Panginoon. Inggit na inggit naman ang mga Judio nang makita nila ang napakaraming tao, kaya't nilait nila at sinalungat si Pablo. Ngunit buong tapang na sinabi nina Pablo at Bernabe, “Sa inyo muna sana dapat ipahayag ang salita ng Diyos. Ngunit dahil itinatakwil ninyo ito, hinahatulan ninyo ang inyong sarili na kayo'y hindi karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, kaya't sa mga Hentil na kami mangangaral. Ganito ang iniutos sa amin ng Panginoon, ‘Inilagay kitang liwanag sa mga Hentil upang maipangaral mo ang kaligtasan hanggang sa dulo ng daigdig.’” Nang marinig ng mga Hentil ang mga salitang iyon, sila'y nagalak at nagpuri sa Panginoon dahil sa salita niya, at sumampalataya ang lahat ng hinirang para sa buhay na walang hanggan. Kaya't lumaganap sa buong lupain ang salita ng Panginoon. Ngunit sinulsulan ng mga Judio ang mga pinuno ng lunsod at ang mga debotong babae at kilala sa lipunan; ipinausig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lupaing iyon. Kaya't ipinagpag ng dalawa ang alikabok sa kanilang mga paa bilang saksi laban sa mga tagaroon, at sila'y nagpunta sa Iconio. Ang mga alagad naman sa Antioquia ay napuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.
Mga Gawa 13:26-52 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)