Mga Gawa 12:20
Mga Gawa 12:20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Matagal nang galit si Herodes sa mga taga-Tiro at mga taga-Sidon. Kaya't napagkasunduan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon na lumapit sa kanya upang makipagkasundo, sapagkat sa lupain ng hari nanggagaling ang ikinabubuhay ng kanilang bayan. Nakiusap sila kay Blasto, ang mayordomo ng hari, upang sila'y samahan.
Mga Gawa 12:20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Galit na galit si Haring Herodes sa mga taga-Tyre at taga-Sidon. Kaya nagkaisa ang mga tao na makipag-ayos sa hari dahil sa bayan nito nanggagaling ang kanilang pagkain. Bago sila pumunta sa hari, kinaibigan muna nila si Blastus para tulungan sila, dahil siya ang katiwala ng hari sa palasyo.
Mga Gawa 12:20 Ang Biblia (TLAB)
At galit na galit nga si Herodes sa mga taga Tiro at taga Sidon: at sila'y nangagkaisang pumaroon sa kaniya, at, nang makaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari, ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo, sapagka't ang lupain nila'y pinakakain ng lupain ng hari.
Mga Gawa 12:20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Matagal nang galit si Herodes sa mga taga-Tiro at mga taga-Sidon. Kaya't napagkasunduan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon na lumapit sa kanya upang makipagkasundo, sapagkat sa lupain ng hari nanggagaling ang ikinabubuhay ng kanilang bayan. Nakiusap sila kay Blasto, ang mayordomo ng hari, upang sila'y samahan.
Mga Gawa 12:20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)