Mga Gawa 11:1-18
Mga Gawa 11:1-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nabalitaan ng mga apostol at ng mga kapatid sa buong Judea na may mga Hentil na tumanggap na rin sa salita ng Diyos. Kaya't nang si Pedro'y pumunta sa Jerusalem, tinuligsa siya ng mga kapatid na masugid sa pagsunod sa Kautusan. “Bakit ka pumasok sa bahay ng mga Hentil at nakisalo pa sa kanila?” tanong nila. Kaya't isinalaysay sa kanila ni Pedro ang buong pangyayari. “Ako'y nasa lunsod ng Joppa at nananalangin nang magkaroon ako ng isang pangitain. Mula sa langit ay ibinabâ sa kinaroroonan ko ang isang tila malaking kumot na nakabitin sa apat na sulok. Pinagmasdan ko itong mabuti at nakita ko roon ang iba't ibang uri ng hayop, lumalakad at gumagapang sa lupa, mababangis, at mga lumilipad. Pagkatapos ay narinig ko ang isang tinig na nag-utos, ‘Pedro, tumayo ka. Magkatay ka at kumain!’ Subalit sumagot ako, ‘Hindi ko magagawa iyan, Panginoon. Hindi ako kumakain ng anumang pagkaing marumi.’ Muli kong narinig ang tinig mula sa langit, ‘Huwag mong ituring na marumi ang nilinis na ng Diyos!’ Tatlong ulit na nangyari iyon, at pagkatapos ay hinila na pataas sa langit ang lahat ng iyon. “Nang sandali ring iyon, dumating sa bahay na tinutuluyan ko ang tatlong lalaking sinugo sa akin buhat sa Cesarea. Sinabi sa akin ng Espiritu na huwag akong mag-atubiling sumama sa kanila. Sumama rin sa akin ang anim na kapatid na ito at pumasok kami sa bahay ni Cornelio. Isinalaysay niya sa amin na nakakita siya ng isang anghel na nakatayo sa loob ng kanyang bahay at sinabi raw sa kanya, ‘Magpadala ka ng mga sugo sa Joppa at ipasundo mo si Simon na tinatawag ding Pedro. Sasabihin niya sa iyo ang mga kinakailangan upang ikaw at ang iyong sambahayan ay maligtas.’ “Nagsisimula pa lamang akong magsalita ay bumabâ na sa kanila ang Espiritu Santo gaya ng ginawa nito sa atin noong una. At naalala ko ang sinabi ng Panginoon, ‘Si Juan ay nagbabautismo sa tubig, ngunit babautismuhan kayo ng Espiritu Santo.’ Kung binigyan sila ng Diyos ng kaloob na tulad ng ibinigay niya sa atin noong tayo'y manalig sa Panginoong Jesu-Cristo, sino ako para hadlangan ang Diyos?” Nang marinig nila ito, tumigil na sila ng pagtuligsa at sa halip ay nagpuri sa Diyos. Sabi nila, “Kung gayon, ang mga Hentil man ay binigyan din ng Diyos ng pagkakataong magsisi't magbagong-buhay upang maligtas!”
Mga Gawa 11:1-18 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nabalitaan ng mga apostol at ng mga kapatid sa Judea na tinanggap din ng mga Hentil ang salita ng Diyos. Kaya pagbalik ni Pedro sa Jerusalem, tinuligsa siya ng mga mananampalatayang Hudyong naniniwala na kinakailangang magpatuli ng mga Hentil. Sinabi nila kay Pedro, “Bakit ka tumuloy sa bahay ng mga hindi tuli at nakikain pa sa kanila?” Kaya ipinaliwanag ni Pedro sa kanila ang buong pangyayari mula sa umpisa. Sinabi niya, “Habang nananalangin ako sa lungsod ng Jopa, nawalan ako ng malay at may ipinakitang pangitain ang Diyos sa akin. Nakakita ako ng tila malapad na kumot na bumababa mula sa langit. May tali ito sa apat na sulok, at ibinababa sa kinaroroonan ko. Pinagmasdan ko itong mabuti at nakita ko roon ang lahat ng uri ng hayop, may lumalakad, kasama na rito ang mababangis, may gumagapang sa lupa, at may lumilipad. At narinig ko ang boses na nagsasabi sa akin, ‘Pedro, tumayo ka! Magkatay ka at kumain.’ “Ngunit sumagot ako, ‘Panginoon, hindi ko magagawa iyan dahil ni minsaʼy hindi ako kumain ng marumi o ipinagbabawal na pagkain.’ “Pagkatapos, muling nagsalita ang tinig mula sa langit, ‘Huwag mong ituring na marumi ang kahit na anong bagay na nilinis na ng Diyos.’ Tatlong beses naulit ang pangyayaring ito, at pagkatapos ay hinila na papunta sa langit ang kumot. “Nang mga oras ding iyon, dumating sa bahay na tinutuluyan ko ang tatlong lalaki na galing sa Cesarea. Inutusan sila na sunduin ako. Sinabi ng Espiritu sa akin na huwag akong mag-alinlangang sumáma sa kanila. At nang umalis na kami papunta sa bahay ni Cornelio sa Cesarea, sumáma sa akin itong anim na kapatid natin na taga-Jopa. Pagdating namin doon, ikinuwento ni Cornelio sa amin na may nakita siyang anghel sa loob ng kanyang bahay na nagsabi sa kanya, ‘Magsugo ka ng susundo kay Simon na tinatawag na Pedro, doon sa Jopa. Sasabihin niya sa iyo kung paano ka maliligtas at ang iyong buong sambahayan.’ “Nang magsimula akong magsalita, napuspos sila ng Banal na Espiritu tulad din ng nangyari sa atin noon. At naalala ko ang sinabi ng Panginoong Hesus: ‘Nagbautismo si Juan sa tubig, ngunit babautismuhan kayo sa Banal na Espiritu.’ Kaya ang nangyari sa kanila ay nagpapatunay na ang ibinigay ng Diyos sa ating mga Hudyo, nang sumampalataya tayo sa Panginoong Hesu-Kristo ay ibinigay din niya sa mga Hentil. At kung ganoon ang gusto ng Diyos, sino ba ako para hadlangan siya?” Nang marinig ito ng mga kapatid na Hudyo, hindi na nila binatikos si Pedro, sa halip ay nagpuri sila sa Diyos. Sinabi nila, “Kung ganoʼn, ibinigay din ng Diyos sa mga Hentil ang pagkakataong magsisi upang silaʼy mabuhay.”
Mga Gawa 11:1-18 Ang Biblia (TLAB)
Nabalitaan nga ng mga apostol at ng mga kapatid na nangasa Judea na nagsitanggap din naman ang mga Gentil ng salita ng Dios. At nang umahon si Pedro sa Jerusalem, ay nakipagtalo sa kaniya ang mga sa pagtutuli, Na nagsisipagsabi, Nakisalamuha ka sa mga taong hindi tuli, at kumain kang kasalo nila. Datapuwa't si Pedro ay nagpasimula, at ang kadahilanan ay isinaysay sa kanilang sunodsunod na sinasabi, Ako'y nananalangin sa bayan ng Joppe: at sa kawalan ng diwa'y nakakita ako ng isang pangitain, na may isang sisidlang bumababa, na gaya ng isang malapad na kumot, na inihuhugos mula sa langit na nakabitin sa apat na sulok; at dumating hanggang sa akin: At nang yao'y aking titigan, ay pinagwari ko, at aking nakita ang mga hayop na may apat na paa sa lupa at mga hayop na ganid at ang mga nagsisigapang at mga ibon sa langit. At nakarinig din naman ako ng isang tinig na nagsasabi sa akin, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain. Datapuwa't sinabi ko, Hindi maaari, Panginoon: sapagka't kailan man ay walang anomang pumasok sa aking bibig na marumi o karumaldumal. Nguni't sumagot na ikalawa ang tinig mula sa langit, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi. At ito'y nangyaring makaitlo: at muling binatak ang lahat sa langit. At narito, pagdaka'y nangagsitayo sa tapat ng bahay na aming kinaroroonan, ang tatlong lalake na mga sinugo sa akin buhat sa Cesarea. At iniutos sa akin ng Espiritu na ako'y sumama sa kanila, na huwag magtangi. At nagsisama naman sa akin itong anim na kapatid; at nagsipasok kami sa bahay ng lalaking yaon: At kaniyang isinaysay sa amin kung paanong nakita niya ang anghel na nakatindig sa kaniyang bahay, at nagsasabi, Magsugo ka sa Joppe, at ipagsama mo si Simon, na may pamagat na Pedro; Na siyang magsasaysay sa iyo ng mga salita, na ikaliligtas mo, ikaw at ng buong sangbahayan mo. At nang ako'y magpasimulang magsalita, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo, na gaya naman ng pagbaba sa atin nang una. At naalaala ko ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya, Tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwa't kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo. Kung ibinigay nga sa kanila ng Dios ang gayon ding kaloob na gaya naman ng kaniyang ibinigay sa atin, nang tayo'y nagsisisampalataya sa Panginoong Jesucristo, sino baga ako, na makahahadlang sa Dios? At nang marinig nila ang mga bagay na ito, ay nagsitahimik sila, at niluwalhati ang Dios, na sinasabi, Kung gayo'y binigyan din naman ng Dios ang mga Gentil ng pagsisisi sa ikabubuhay.
Mga Gawa 11:1-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nabalitaan ng mga apostol at ng mga kapatid sa buong Judea na may mga Hentil na tumanggap na rin sa salita ng Diyos. Kaya't nang si Pedro'y pumunta sa Jerusalem, tinuligsa siya ng mga kapatid na masugid sa pagsunod sa Kautusan. “Bakit ka pumasok sa bahay ng mga Hentil at nakisalo pa sa kanila?” tanong nila. Kaya't isinalaysay sa kanila ni Pedro ang buong pangyayari. “Ako'y nasa lunsod ng Joppa at nananalangin nang magkaroon ako ng isang pangitain. Mula sa langit ay ibinabâ sa kinaroroonan ko ang isang tila malaking kumot na nakabitin sa apat na sulok. Pinagmasdan ko itong mabuti at nakita ko roon ang iba't ibang uri ng hayop, lumalakad at gumagapang sa lupa, mababangis, at mga lumilipad. Pagkatapos ay narinig ko ang isang tinig na nag-utos, ‘Pedro, tumayo ka. Magkatay ka at kumain!’ Subalit sumagot ako, ‘Hindi ko magagawa iyan, Panginoon. Hindi ako kumakain ng anumang pagkaing marumi.’ Muli kong narinig ang tinig mula sa langit, ‘Huwag mong ituring na marumi ang nilinis na ng Diyos!’ Tatlong ulit na nangyari iyon, at pagkatapos ay hinila na pataas sa langit ang lahat ng iyon. “Nang sandali ring iyon, dumating sa bahay na tinutuluyan ko ang tatlong lalaking sinugo sa akin buhat sa Cesarea. Sinabi sa akin ng Espiritu na huwag akong mag-atubiling sumama sa kanila. Sumama rin sa akin ang anim na kapatid na ito at pumasok kami sa bahay ni Cornelio. Isinalaysay niya sa amin na nakakita siya ng isang anghel na nakatayo sa loob ng kanyang bahay at sinabi raw sa kanya, ‘Magpadala ka ng mga sugo sa Joppa at ipasundo mo si Simon na tinatawag ding Pedro. Sasabihin niya sa iyo ang mga kinakailangan upang ikaw at ang iyong sambahayan ay maligtas.’ “Nagsisimula pa lamang akong magsalita ay bumabâ na sa kanila ang Espiritu Santo gaya ng ginawa nito sa atin noong una. At naalala ko ang sinabi ng Panginoon, ‘Si Juan ay nagbabautismo sa tubig, ngunit babautismuhan kayo ng Espiritu Santo.’ Kung binigyan sila ng Diyos ng kaloob na tulad ng ibinigay niya sa atin noong tayo'y manalig sa Panginoong Jesu-Cristo, sino ako para hadlangan ang Diyos?” Nang marinig nila ito, tumigil na sila ng pagtuligsa at sa halip ay nagpuri sa Diyos. Sabi nila, “Kung gayon, ang mga Hentil man ay binigyan din ng Diyos ng pagkakataong magsisi't magbagong-buhay upang maligtas!”
Mga Gawa 11:1-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)