2 Timoteo 1:1-7
2 Timoteo 1:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos upang ipangaral ang tungkol sa buhay na ipinangakong makakamtan natin sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus— Kay Timoteo na minamahal kong anak. Sumaiyo nawa ang pagpapala, habag, at kapayapaang mula sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon. Tuwing inaalala kita sa aking panalangin araw at gabi, nagpapasalamat ako sa Diyos na aking pinaglilingkuran nang tapat gaya ng ginawa ng aking mga ninuno. Sabik na sabik na akong makita ka upang malubos ang aking kagalakan, lalo na kapag naaalala ko ang iyong pagluha. Hindi ko nalilimutan ang tapat mong pananampalataya, na unang tinaglay ng iyong lolang si Loida at ng iyong inang si Eunice. Natitiyak kong nasa iyo ang pananampalatayang ito. Dahil dito, ipinapaalala ko sa iyo na gamitin mong mabuti ang kaloob na ibinigay sa iyo ng Diyos nang ipatong ko sa iyo ang aking mga kamay. Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.
2 Timoteo 1:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mula kay Pablo na apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos. Sinugo ako ng Diyos upang ipahayag ang tungkol sa buhay na ipinangako niyang makakamtan nating mga nakay Kristo Hesus, Kay Timoteo na minamahal kong anak: Sumaiyo nawa ang biyaya, awa at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at kay Kristo Hesus na ating Panginoon. Nagpapasalamat ako sa Diyos na pinaglilingkuran ko nang may malinis na konsensiya, tulad ng ginawa ng mga ninuno ko. Nagpapasalamat ako sa kanya sa tuwing inaalala kita sa panalangin araw at gabi. Kapag naaalala ko ang pag-iyak mo noong umalis ako, nasasabik akong makita ka upang maging lubos ang aking kagalakan. Hindi ko makakalimutan ang tapat mong pananampalataya na naunang tinaglay ng iyong Lola Loida at ng iyong inang si Eunice, at natitiyak kong nasa iyo rin ito ngayon. Dahil dito, pinaaalalahanan kita na lalo ka pang maging masigasig sa paggamit ng kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, na tinanggap mo nang patungan kita ng kamay. Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.
2 Timoteo 1:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ayon sa pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus, Kay Timoteo na aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin. Nagpapasalamat ako sa Dios, na mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing malinis, na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing, gabi't araw; Na kinasasabikan kong makita kita, na inaalaala ang iyong mga pagluha, upang ako'y mapuspos ng kagalakan; Na inaalaala ko ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman. Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo na paningasin mo ang kaloob ng Dios, na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay. Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.
2 Timoteo 1:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mula kay Pablo na apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos upang ipangaral ang tungkol sa buhay na ipinangakong makakamtan natin sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus— Kay Timoteo na minamahal kong anak. Sumaiyo nawa ang pagpapala, habag, at kapayapaang mula sa Diyos Ama at kay Cristo Jesus na ating Panginoon. Tuwing inaalala kita sa aking panalangin araw at gabi, nagpapasalamat ako sa Diyos na aking pinaglilingkuran nang tapat gaya ng ginawa ng aking mga ninuno. Sabik na sabik na akong makita ka upang malubos ang aking kagalakan, lalo na kapag naaalala ko ang iyong pagluha. Hindi ko nalilimutan ang tapat mong pananampalataya, na unang tinaglay ng iyong lolang si Loida at ng iyong inang si Eunice. Natitiyak kong nasa iyo ang pananampalatayang ito. Dahil dito, ipinapaalala ko sa iyo na gamitin mong mabuti ang kaloob na ibinigay sa iyo ng Diyos nang ipatong ko sa iyo ang aking mga kamay. Sapagkat ang Espiritung ibinigay sa atin ng Diyos ay hindi espiritu ng kahinaan ng loob, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig at pagpipigil sa sarili.
2 Timoteo 1:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, ayon sa pangako ng buhay na nasa kay Cristo Jesus, Kay Timoteo na aking minamahal na anak: Biyaya, kaawaan, kapayapaan nawang mula sa Dios Ama at kay Cristo Jesus na Panginoon natin. Nagpapasalamat ako sa Dios, na mula sa aking kanunununuan ay aking pinaglilingkuran sa budhing malinis, na walang patid na inaalaala kita sa aking mga daing, gabi't araw Na kinasasabikan kong makita kita, na inaalaala ang iyong mga pagluha, upang ako'y mapuspos ng kagalakan; Na inaalaala ko ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman. Dahil dito ay ipinaaalaala ko sa iyo na paningasin mo ang kaloob ng Dios, na nasa iyo sa pamamagitan ng pagpapatong ng aking mga kamay. Sapagka't hindi tayo binigyan ng Dios ng espiritu ng katakutan; kundi ng kapangyarihan at ng pagibig at ng kahusayan.