2 Mga Taga-Tesalonica 3:2-3
2 Mga Taga-Tesalonica 3:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Idalangin din ninyong maligtas kami sa mga taong masasama at walang kinikilalang Diyos, sapagkat hindi lahat ay may pananampalataya sa Diyos. Ngunit tapat ang Panginoon; siya ang magpapatatag at mag-iingat sa inyo laban sa Masama.
2 Mga Taga-Tesalonica 3:2-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ipanalangin nʼyo rin na maligtas kami sa mga masasama at makasalanang tao; dahil hindi lahat ng taoʼy naniniwala sa itinuturo namin. Ngunit matapat ang Panginoon; bibigyan niya kayo ng lakas at iingatan laban sa masama.
2 Mga Taga-Tesalonica 3:2-3 Ang Biblia (TLAB)
At upang kami ay mangaligtas sa mga taong walang katuwiran at masasama; sapagka't hindi lahat ay mayroong pananampalataya. Nguni't tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo'y magiingat sa masama.
2 Mga Taga-Tesalonica 3:2-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)