2 Mga Taga-Tesalonica 1:1-4
2 Mga Taga-Tesalonica 1:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo—Para sa iglesya sa Tesalonica, sa mga hinirang ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. Sumainyo nawa ang pagpapala at ang kapayapaang mula sa ating Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Mga kapatid, tama lamang na kami'y laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na tumatatag ang inyong pananampalataya kay Cristo at lalong nagiging maalab ang inyong pagmamahalan sa isa't isa. Ipinagmamalaki namin kayo sa lahat ng mga kaanib sa iglesya ng Diyos dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya, sa gitna ng mga pag-uusig at mga kahirapang dinaranas ninyo.
2 Mga Taga-Tesalonica 1:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mula kay Pablo, kasama sina Silas at Timoteo, Sa iglesya ng mga taga-Tesalonica na nasa Diyos Ama at nasa Panginoong Hesu-Kristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo. Mga kapatid, nararapat lang na pasalamatan namin ang Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na lumalago ang inyong pananampalataya kay Kristo at pagmamahal sa isaʼt isa. Kaya naman, ipinagmamalaki namin kayo sa mga iglesya ng Diyos sa ibang lugar dahil sa katatagan at pananampalataya ninyo, sa kabila ng lahat ng dinaranas ninyong paghihirap at pag-uusig.
2 Mga Taga-Tesalonica 1:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo; Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo. Kami ay nararapat, mga kapatid, na mangagpasalamat na lagi sa Dios dahil sa inyo, gaya ng marapat, dahil sa ang inyong pananampalataya ay lumalaking lubha, at ang pagibig ng bawa't isa sa iba't iba sa inyong lahat ay sumasagana; Ano pa't kami sa aming sarili ay nangagkakapuri sa inyo sa mga iglesia ng Dios dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya sa lahat ng mga paguusig sa inyo at sa mga kapighatiang inyong tinitiis
2 Mga Taga-Tesalonica 1:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mula kina Pablo, Silas, at Timoteo—Para sa iglesya sa Tesalonica, sa mga hinirang ng Diyos Ama at ng Panginoong Jesu-Cristo. Sumainyo nawa ang pagpapala at ang kapayapaang mula sa ating Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo. Mga kapatid, tama lamang na kami'y laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo, sapagkat patuloy na tumatatag ang inyong pananampalataya kay Cristo at lalong nagiging maalab ang inyong pagmamahalan sa isa't isa. Ipinagmamalaki namin kayo sa lahat ng mga kaanib sa iglesya ng Diyos dahil sa inyong pagtitiis at pananampalataya, sa gitna ng mga pag-uusig at mga kahirapang dinaranas ninyo.
2 Mga Taga-Tesalonica 1:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)