2 Samuel 3:2-5
2 Samuel 3:2-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Samantalang nasa Hebron, ito ang mga naging anak na lalaki ni David: ang panganay ay si Amnon na anak niya kay Ahinoam. Si Quileab ang sumunod na anak naman niya kay Abigail, ang balo ni Nabal. Ang ikatlo'y si Absalom na anak kay Maaca na anak ni Talmai na hari sa Gesur. Si Adonias ang ikaapat, anak niya kay Haggit; ang ikalima'y si Sefatias, anak niya kay Abital; at ang ikaanim ay si Itream, anak niya kay Egla. Ang mga ito ang naging anak ni David sa Hebron.
2 Samuel 3:2-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ito ang mga anak na lalaki ni David na isinilang sa Hebron: Si Amnon ang panganay, anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel. Si Kileab ang pangalawa, anak niya kay Abigail, ang biyuda ni Nabal na taga-Carmel. Si Absalom ang pangatlo, anak niya kay Maaca na anak ni Haring Talmai ng Gesur. Si Adonias ang pang-apat, anak niya kay Haguit. Si Sefatias ang panglima, anak niya kay Abital. Si Itream ang pang-anim, anak niya kay Egla.
2 Samuel 3:2-5 Ang Biblia (TLAB)
At nagkaanak si David sa Hebron: at ang kaniyang panganay ay si Amnon kay Ahinoam na taga Jezreel; At ang kaniyang pangalawa ay si Chileab, kay Abigail na asawa ni Nabal na taga Carmelo; at ang ikatlo ay si Absalom na anak ni Maacha na anak ni Talmai na hari sa Gessur; At ang ikaapat ay si Adonias na anak ni Haggith; at ang ikalima ay si Saphatias na anak ni Abital; At ang ikaanim ay si Jetream kay Egla, na asawa ni David. Ang mga ito'y ipinanganak kay David sa Hebron.
2 Samuel 3:2-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Samantalang nasa Hebron, ito ang mga naging anak na lalaki ni David: ang panganay ay si Amnon na anak niya kay Ahinoam. Si Quileab ang sumunod na anak naman niya kay Abigail, ang balo ni Nabal. Ang ikatlo'y si Absalom na anak kay Maaca na anak ni Talmai na hari sa Gesur. Si Adonias ang ikaapat, anak niya kay Haggit; ang ikalima'y si Sefatias, anak niya kay Abital; at ang ikaanim ay si Itream, anak niya kay Egla. Ang mga ito ang naging anak ni David sa Hebron.
2 Samuel 3:2-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)