Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

2 Samuel 23:5 - Compare All Versions

2 Samuel 23:5 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

“Gayon pagpapalain ng Diyos ang aking sambahayan, dahil sa aming tipan na walang katapusan, kasunduang mananatili magpakailanman. Siya ang magbibigay sa akin ng tagumpay, ano pa ang dapat kong hangarin?

2 Samuel 23:5 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ganyan ang pamilya ko sa paningin ng Diyos, at gumawa siya ng kasunduang walang hanggan sa akin. Maayos at detalyado ang kasunduang ito at hindi na mapapalitan. Kaya nakatitiyak ako na palagi akong ililigtas ng Diyos at ibibigay niya sa akin ang lahat ng aking mga ninanais.

2 Samuel 23:5 TLAB (Ang Biblia)

Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios; Gayon ma'y nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan, Maayos sa lahat ng mga bagay, at maasahan: Sapagka't siyang aking buong kaligtasan, at buong nasa. Bagaman hindi niya pinatubo.

2 Samuel 23:5 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

“Gayon pagpapalain ng Diyos ang aking sambahayan, dahil sa aming tipan na walang katapusan, kasunduang mananatili magpakailanman. Siya ang magbibigay sa akin ng tagumpay, ano pa ang dapat kong hangarin?

2 Samuel 23:5 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))