2 Samuel 2:1-7
2 Samuel 2:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkaraan ng lahat ng ito, sumangguni si David kay Yahweh. “Pupunta po ba ako sa isa sa mga lunsod ng Juda?” tanong niya. “Lumakad ka,” sagot sa kanya ni Yahweh. “Saan pong lunsod?” tanong ni David. “Sa Hebron,” sagot ni Yahweh. Kaya't lumakad si David kasama ang dalawa niyang asawa, sina Ahinoam na Jezreelita, at si Abigail, ang biyuda ni Nabal na taga-Carmel. Isinama rin ni David ang kanyang mga tauhan pati ang kani-kanilang pamilya. Dumating sa Hebron ang mga taga-Juda at binuhusan nila ng langis si David bilang hari ng Juda. Nang sabihin nila kay David, “Ang mga taga-Jabes-gilead ang naglibing kay Saul,” nagpadala siya ng mga tauhan sa mga taong iyon dala ang pagbating, “Nawa'y pagpalain kayo ni Yahweh sa kagandahang-loob at kabutihang ginawa ninyo sa panginoon ninyong si Saul, nang siya'y inyong ilibing. Kamtan nawa ninyo ang pag-ibig at katapatan ni Yahweh, at ako nama'y handang gumanti sa inyong kabutihang ginawa. Maging matatag at matapang kayo. Patay na ang inyong haring si Saul at ginawa na akong hari ng mga taga-Juda.”
2 Samuel 2:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkatapos nito, nagtanong si David sa PANGINOON, “Pupunta po ba ako sa isa sa mga bayan ng Juda?” Sumagot ang PANGINOON, “Pumunta ka.” Muling nagtanong si David, “Saan po roon?” Sumagot ang PANGINOON, “Sa Hebron.” Kaya pumunta roon si David kasama ang dalawa niyang asawa na sina Ahinoam na taga-Jezreel at Abigail na biyuda ni Nabal na taga-Carmel. Isinama rin ni David ang mga tauhan niya at mga pamilya nila, at doon sila tumira sa Hebron at sa mga lugar sa paligid nito. Di nagtagal, pumunta ang mga pinuno ng Juda sa Hebron, at pinahiran ng langis ang ulo ni David bilang pagkilala na siya na ang hari ng Juda. Nang mabalitaan ni David na ang mga taga-Jabes-gilead ang naglibing kay Saul, nagpadala siya ng mga mensahero na nagsabi, “Pagpalain sana kayo ng PANGINOON sa ipinakita nʼyong kabutihan kay Saul na hari ninyo sa pamamagitan ng paglilibing sa kanya. Ipakita sana ng PANGINOON ang pagmamahal at katapatan niya sa inyo, at ipapakita ko rin sa inyo ang kabutihan ko dahil sa ginawa ninyo. At ngayon, magpakatatag kayo at lakasan nʼyo ang inyong loob kahit patay na ang hari ninyong si Saul. Ako naman ay pinili ng mga taga-Juda bilang kanilang hari.”
2 Samuel 2:1-7 Ang Biblia (TLAB)
At nangyari, pagkatapos nito, na nagusisa si David sa Panginoon, na nagsasabi, Aahon ba ako sa alinman sa mga bayan ng Juda? At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Umahon ka. At sinabi ni David, Saan ako aahon? At kaniyang sinabi, Sa Hebron. Sa gayo'y umahon si David doon, at pati ng kaniyang dalawang asawa, si Ahinoam na taga Jezreel, at si Abigail na asawa ni Nabal, na taga Carmelo. At ang kaniyang mga lalake na kasama niya ay iniahon ni David bawa't lalake na kasama ang kanikaniyang sangbahayan: at sila'y nagsitahan sa mga bayan ng Hebron. At nagsiparoon ang mga lalake ng Juda, at kanilang pinahiran ng langis doon si David upang maging hari sa sangbahayan ng Juda. At kanilang isinaysay kay David, na sinasabi, Ang mga lalake sa Jabes-galaad ay siyang naglibing kay Saul. At nagsugo ng mga sugo si David sa mga lalake sa Jabes-galaad, at sinabi sa kanila, Pagpalain nawa kayo ng Panginoon, na kayo'y nagpakita ng kagandahang loob na ito sa inyong panginoon, sa makatuwid baga'y kay Saul, at inyong inilibing siya. At ngayon nawa'y pagpakitaan kayo ng Panginoon ng kagandahang loob at katotohanan: at ako naman ay gaganti sa inyo nitong kagandahang loob, sapagka't inyong ginawa ang bagay na ito. Ngayon nga, magsilakas nawa ang inyong mga kamay, at kayo nawa'y maging matatapang: sapagka't patay na si Saul na inyong panginoon, at pinahiran ng langis naman ako ng sangbahayan ni Juda upang maging hari sa kanila.
2 Samuel 2:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagkaraan ng lahat ng ito, sumangguni si David kay Yahweh. “Pupunta po ba ako sa isa sa mga lunsod ng Juda?” tanong niya. “Lumakad ka,” sagot sa kanya ni Yahweh. “Saan pong lunsod?” tanong ni David. “Sa Hebron,” sagot ni Yahweh. Kaya't lumakad si David kasama ang dalawa niyang asawa, sina Ahinoam na Jezreelita, at si Abigail, ang biyuda ni Nabal na taga-Carmel. Isinama rin ni David ang kanyang mga tauhan pati ang kani-kanilang pamilya. Dumating sa Hebron ang mga taga-Juda at binuhusan nila ng langis si David bilang hari ng Juda. Nang sabihin nila kay David, “Ang mga taga-Jabes-gilead ang naglibing kay Saul,” nagpadala siya ng mga tauhan sa mga taong iyon dala ang pagbating, “Nawa'y pagpalain kayo ni Yahweh sa kagandahang-loob at kabutihang ginawa ninyo sa panginoon ninyong si Saul, nang siya'y inyong ilibing. Kamtan nawa ninyo ang pag-ibig at katapatan ni Yahweh, at ako nama'y handang gumanti sa inyong kabutihang ginawa. Maging matatag at matapang kayo. Patay na ang inyong haring si Saul at ginawa na akong hari ng mga taga-Juda.”
2 Samuel 2:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)