2 Samuel 14:1-4
2 Samuel 14:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Napansin ni Joab, anak ni Zeruias, na ang hari ay nananabik na makita si Absalom. Kaya't nagpahanap siya sa Tekoa ng isang matalinong babae. Nang dumating ito ay sinabi niya, “Magsuot ka ng panluksa at magkunwari kang biyuda. Huwag kang mag-aayos para magmukha kang matagal nang nagluluksa. Pagkatapos, pumunta ka sa hari at sabihin mo sa kanya ang ipagbibilin ko sa iyo.” Matapos silang mag-usap ni Joab, lumakad na ang babae. Pagdating sa hari, siya'y nagpatirapa bilang pagbibigay-galang. Sinabi niya, “Tulungan po ninyo ako, mahal na hari!”
2 Samuel 14:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Alam ni Joab, anak ni Zeruias, na nangungulila si Haring David kay Absalom. Kaya nagpatawag siya ng isang matalinong babae galing sa Tekoa. Pagdating ng babae, sinabi ni Joab sa kanya, “Magkunwari kang nagluluksa. Magsuot ka ng damit na panluksa at huwag kang magpahid ng mabangong langis. Umarte kang gaya ng isang nagluluksa nang mahabang panahon. Pagkatapos, pumunta ka sa hari at sabihin mo sa kanya ang sasabihin ko sa iyo.” At sinabi ni Joab sa kanya ang dapat niyang sabihin sa hari. Pumunta ang babae sa hari at nagpatirapa siya bilang paggalang. Pagkatapos, sinabi ng babae, “Tulungan nʼyo po ako, Mahal na Hari!”
2 Samuel 14:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Nahalata nga ni Joab, na anak ni Sarvia, na ang puso ng hari ay nahihilig kay Absalom. At nagsugo si Joab sa Tecoa, at nagdala mula roon ng isang pantas na babae, at sinabi sa kaniya, Isinasamo ko sa iyong ikaw ay magpakunwari na tagapanaghoy at magluksa, at huwag kang magpahid ng langis, kundi ikaw ay magpakunwaring isang babae na mahabang panahon na tumatangis dahil sa isang namatay: At pasukin mo ang hari, at magsalita ka ng ganitong paraan sa kaniya. Sa gayo'y inilagay ni Joab ang mga salita sa kaniyang bibig. At nang magsalita ang babae sa Tecoa sa hari, ay nagpatirapa sa lupa, at nagbigay galang, at nagsabi: Tulungan mo ako, Oh hari.
2 Samuel 14:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Napansin ni Joab, anak ni Zeruias, na ang hari ay nananabik na makita si Absalom. Kaya't nagpahanap siya sa Tekoa ng isang matalinong babae. Nang dumating ito ay sinabi niya, “Magsuot ka ng panluksa at magkunwari kang biyuda. Huwag kang mag-aayos para magmukha kang matagal nang nagluluksa. Pagkatapos, pumunta ka sa hari at sabihin mo sa kanya ang ipagbibilin ko sa iyo.” Matapos silang mag-usap ni Joab, lumakad na ang babae. Pagdating sa hari, siya'y nagpatirapa bilang pagbibigay-galang. Sinabi niya, “Tulungan po ninyo ako, mahal na hari!”
2 Samuel 14:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)