2 Samuel 12:1-3
2 Samuel 12:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Isinugo ni Yahweh kay David ang propetang si Natan. Pagdating doon ay sinabi niya, “Sa isang lunsod ay may dalawang lalaki, mayaman ang isa at ang isa'y dukha. Maraming kawan at bakahan ang mayaman, samantalang ang dukha ay may isa lamang munting babaing tupa. Inalagaan niya ito at pinalaking kasama ng kanyang mga anak. Kinakalong niya itong parang anak na babae, isinasalo sa pagkain at pinapainom.
2 Samuel 12:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngayon, isinugo ng PANGINOON si Propeta Natan kay David. Pagdating niya kay David, sinabi niya, “May dalawang taong nakatira sa isang bayan. Ang isaʼy mayaman at ang isaʼy mahirap. Ang mayaman ay maraming tupa at baka, subalit ang mahirap ay walang ibang pagmamay-ari maliban sa isang tupang nabili niya. Inalagaan niya ito at lumaking kasabay ng mga anak niya. Pinapakain niya ito ng kanyang pagkain at pinapainom sa kanyang baso at kinakarga-karga pa sa kanyang braso para makatulog. Para na itong anak niyang babae.
2 Samuel 12:1-3 Ang Biblia (TLAB)
At sinugo ng Panginoon si Nathan kay David. At siya'y naparoon sa kaniya, at nagsabi sa kaniya, May dalawang lalake sa isang bayan; ang isa ay mayaman at ang isa ay mahirap. Ang mayaman ay mayroon totoong maraming kawan at bakahan: Nguni't ang mahirap ay walang anomang bagay, liban sa isang munting korderong babae, na kaniyang binili at inalagaan: at lumaki sa kaniya, at sa kaniyang mga anak; kumakain ng kaniyang sariling pagkain at umiinom ng kaniyang sariling inumin, at humihiga sa kaniyang sinapupunan, at sa kaniya'y parang isang anak.
2 Samuel 12:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Isinugo ni Yahweh kay David ang propetang si Natan. Pagdating doon ay sinabi niya, “Sa isang lunsod ay may dalawang lalaki, mayaman ang isa at ang isa'y dukha. Maraming kawan at bakahan ang mayaman, samantalang ang dukha ay may isa lamang munting babaing tupa. Inalagaan niya ito at pinalaking kasama ng kanyang mga anak. Kinakalong niya itong parang anak na babae, isinasalo sa pagkain at pinapainom.
2 Samuel 12:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)